Rhian, magku-quit na sa showbiz?

WINARNINGAN na si Rhian Ramos ng kanyang nanay na kapag nasangkot pa uli siya sa panibagong intriga/away sa showbiz, patitigilin na siya sa pag-aartista.

Sabi ni Rhian, hindi masyadong apektado ang kanyang nanay sa dala-wang intriga sa buhay niya, na ang una ay kay Ara Mina, at ang pangalawa ay kay Alessandra de Rossi.

Pero, nagbigay na nga raw ito ng ultimatum sa kanya na kapag nangyari `yon ulit, sigurado na nga na patitigilin na siya sa showbiz.

"Ang ikinaka-worry ng mommy ko ay `yung `pag nasisira na ang pangalan ko at `yung pagkatao ko. She cannot tolerate that. She has to do
something about it and I have no choice kundi ang mag-quit," say ni Rhian.

Anyway, okey na nga sina Rhian at Alessandra. Humingi na nga ng sorry si Rhian kay Alex.

Sa taping ng Love Pow, lumapit nga si Rhian kay Alex para mag-explain at mag-sorry na rin. Wala raw sinabi si Alex sa kanya, pero hindi naman siya ni-reject nito.

Inaasahan ni Rhian na magiging maganda na ang samahan nila ni Alex.

Nangako si Rhian na mas magiging maingat na siya sa kanyang mga kilos at salita para hindi na siya makasakit o ma-misunderstood ng mga tao sa paligid niya.

SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007