SexBomb Aira back from Japan

Bago matapos ang taong ito bibili na ng sarili niyang bahay ang SexBomb dancer na si Aira Bermudez. Nakapag-ipon na si Aira mula sa kinita niya sa Japan, kung saan siya nagtrabaho mula October 2006 hanggang April 5, 2007.

Probinsiya ang napuntahan ni Aira sa Japan para mag-show, at mula rito ay nakapag-uwi siya ng malaking pera at mga mamahaling electronic devices. Dalawa ang laptop na naiuwi ni Aira na nagkakahalaga diumano ng higit sa P100,000, dalawa rin ang digital cameras, dalawa ang PS3, maraming alahas, at pera. Ang mga ito ay mula sa kaniyang nakuhang tip.

Itinanggi ni Aira na galing sa kaniyang Japanese boyfriend ang mga nauwi niyang electronic devices, alahas, at pera. Aniya, ginalingan lang daw niya ang pagsasayaw at pagku-comedy kaya naaliw ang mga customers sa kaniya.

Uunahin muna ni Aira ang pagbili ng tinutuluyang bahay ng kaniyang pamilya sa Tondo. Pagkatapos nito ay siya naman ang bibili ng para sa kaniya.

Na-miss ni Aira ang SexBomb lalo't nagkaroon ng showdown ang grupo niya at ang EB Babes sa Eat Bulaga!. Kasama na ngayon sa Daisy Siete Season 15 sa episode na "Isla Chikita" si Aira.

SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007