Mark Herras lacks sex life

LALONG pumayat si Mark Herras dahil sagad na naman siya sa trabaho. Tatlo na nga ang shows niya sa GMA-7 at mukhang ganadung-ganado siya sa trabaho kahit na parati siyang pagud na pagod.

Sabi nga ni Mark, wala na siyang panahon sa mga babae. Pero bakit natsitsismis sa kanya ang EB Babe na si Lian Paz? Nandiyan pa si Janelle Jamer.

Sabi ni Mark, parang pinalalabas daw sa tsismis na manyak siya, na kahit pagod ay sige pa rin sa mga babae.

"Sa Fantastic Man pa lang, may pressure na kaya paano pa ako mambababae? Lahat ng energy ko ay dito ko sa show nilalagay at hindi sa mga babae."

Wala na nga raw siyang energy na mambabae.

"Ganun na nga! Pero minsan may reserba pa rin! Ha! Ha! Ha! Ha!" malakas na tawa ni Mark.

"Pero serious tayo, wala akong time sa babae talaga. Wala akong time na magpahinga nang husto kasi almost everyday ay may work ako. Kaya saan pa papasok ang babae?"

Sabi, hindi kumpleto ang buhay ni Mark kapag walang nali-link sa kanyang babae. Aba, sa pagiging babaero o habulin ng mga babae nga nakilala si Mark, `di ba?

"Kasalanan ko ba? Ha! Ha! Ha! Ha!" tawa niya ulit.

"Kayo lang naman ang nagsasabi niyan, eh, kaya naniniwala ang mga tao. Good boy ako, no! Ha! Ha! Ha! Ha!

"Naumpisahan na kasing matawag akong babaero, eh. Hindi naman totoo ‘yon. Malapit lang ako sa girls kasi palakaibigan ako. Hindi naman ako ‘yung basta na lang syosyota ng kung sinu-sino, ‘di ba? Kahit na lalake tayo, marunong naman tayong mamili ng seseryosohin."

"Sa ngayon wala akong karelasyon. Kung sino man ang mag-claim na girlfriend ko sila, hindi totoo ‘yon. Kaibigan ko lang sila."

Giit nga ni Mark, kahit ang sex life niya ay nakakalimutan na niya dahil sa sobrang pagod sa trabaho.

"Ano ba ‘yan? Pagod nga ako, eh! Ha! Ha! Ha! Ha!" tawa niya.

"Kapag pagod ang tao, pagod lahat! Ha! Ha! Ha! Ha!

"Iniisip ko na lang ang mga magagandang bagay tulad ng career ko. ‘Yung mga personal na pangangailangan, darating din tayo diyan. Hindi naman siguro ako manyak para maka-score kahit na sobrang pagod ako. Kapag pahinga, pahinga talaga. Naglalaro na lang ako sa isipan ko! Ha! Ha! Ha! Ha!" patapos na sabi ni Mark.



SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007