Dennis walang tinatanggihang trabaho

Magkasama sina Dennis Trillo at Iza Calzado sa celebration ng 113th Philippine Independence Day sa Hong Kong this Saturday. Sabay nito ang selebras*yon ng 50th anniversary ng Philippine Association of Hong Kong. Ang GMA Pinoy TV ang magdadala sa dalawa sa HK at una na silang nagkasama sa GMA Pinoy TV event sa Hawaii early this year.

Si Iza dapat ang kapareha ni Dennis sa Sinner or Saint na airing na sa Monday, pero nag-beg off ang aktres at naintindihan siya ni Dennis. Never niyang inisip na siya ang ni-reject ni Iza at magaling din si Bianca King na pumalit dito.


“I’m sure may magandang reason siya sa pagtanggi. Sa ganda ng material, kahit sino ang ilagay sa role ni
Noemi ay mag-i-excel. Para bang hindi ka puwedeng magkamali sa material na ito,” sabi ni Dennis.

Pinuna ng isang reporter na hindi conscious si Dennis ilagay man sa hapon o primetime slot ang soap niya. Kaya say niya : “Wala akong mga ganoong demands at ’di ko gawain ’yun. May paniwala rin ako na malas ang tumanggi sa project, lalo na nang mabasa ko ang script nito, medyo dark, pero maganda,” paniniyak ni Dennis.

SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007