Marian, top 1 sa FHM

Base sa natanggapnaming mensahe sa GMA 7 ay kumpirmadong si Marian Rivera na raw ang tatanghaling FHM sexiest woman of 2008 at pangalawa si Katrina Halili. " Tapos na ang bilangan, Si Marian ang winner, sunod si Katrina, ewan kung bakit hindi pa ina-announce o pino-post," say sa amin.

Tinanong namin kung pang-ilan si Angel Locsin, "Nalaglag yata sa number 5, hindi ko alam. Ang first two lang sinasabi sa akin; katwiran sa amin.

At expected naman daw ito ni Angel na hindi siya ang mananalo ngayong taon bilang sexiest woman dahil na-cover na siya sa Maxim at maganda ang feedback bukod pa sa ipi-feature siya sa programang E! sa Amerika.

Pabor din naman si Angel na nanalo si Marian sa FHM dahil panahon daw niya ngayon at sana raw ay huwag bigyan kulay ang hindi pagkakapanlo ng aktes dahil tapos na siya at bigyan naman ng pagkakataon ang iba.

Marian, sinipa sina Angel at Katrina sa ‘Sexiest Woman’?


TOTOO ba na si Marian Rivera na ang nagwagi bilang Philippines’ Finest ng FHM Sexiest Woman of the World.

Ayon sa aming source ay tinalo na raw ni Marian ang mga mahihigpit niyang kalaban for the number one spot na sina Katrina Halili at Angel Locsin?

Ito nga raw ang first time na may nag-number one na hindi pa naku-cover ng FHM.

Kung totoo nga ang balitang ito, hindi naman kataka-taka kung si Marian ang manalo bilang Philippines’ Finest dahil siya naman talaga ang number one and hottest actress ngayon. Malaking pruweba na ang pagiging number one nationwide ng telefantasya niya na Dyesebel sa GMA-7 at balita pa namin na mabentang-mabenta ang nakalabas nang DVDs ng Marimar.

Isa rin si Marian sa top celebrity endorsers nga*yon sa TV at print. Mula sa phone cards, damit, inumin, shampoo, sabon, beauty products, jeans, health spa at kung anu-ano pa ay pinagkakatiwalaan si Marian na maging endorser nila.

Sa pelikula naman ay patok din si Marian. Big box-office hits nga ang mga nagawa na niyang mga pelikula na My Bestfriend’s Girlfriend, Desperadas at Bahay Kubo. May gagawin din siyang movie titled Amnesia with Dingdong Dantes at ang pelikula na gagawin ni Gabby Concepcion sa GMA Films ay siya na raw ang leading lady.

Dahil nga sa pagiging mainit na aktres ngayon ni Marian kaya maraming mga hindi magagandang issues na binabato sa kanya tulad na lang ng mga panakaw na kuha sa kanya ng mga videos na ang tanging hangarin ay siraan siya. Pero nagkamali ang mga ito sa masamang balak nila dahil mas lalo pang naging mainit si Marian at nananatili pa rin siyang number one kahit saan.

by: RUEL MENDOZA

 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007