Nadine Samonte ayaw magbilad ng katawan sa sexy magazine

MULING mag-aaral si Nadine Samonte next school year. Gusto niyang sundan ang mga yapak ng kanyang boyfriend na Chinese na si Emerson Chua na mula sa family ng may-ari ng Ping-Ping Lechon. Nag-aaral ngayon si Emerson sa College of St. Benilde sa Taft.

Ani Nadine sa presscon ng Pitong Dalagita ng Canary Films: “Gusto ko na talagang magbalik-school next year. Kagustuhan ko iyon. Gusto ko lang ay sa school na pinapasukan ni Emerson, sa St. Benilde.

“Maaaring ‘di ko na siya maabutan dahil graduating na siya this school year ng business administration. Ako ay magsisimula pa lang.”

Okey naman sa BF niya na siya’y muling mag-aral. In fact, very supportive pa nga ito sa lahat ng gusto niyang gawin. Pati na rin sa pag-aartista.

“Kahit ano ang gawin ko ay okey lang sa kanya. Ako naman ang nagku-control ng gagawin ko sa movie o sa TV. Until now ayokong mag-pose sa FHM Magazine. Ipinangako ko ito sa aking boyfriend. Kahit marami ang nagsasabing bagay sa akin ‘yun. Kontento na ako sa takbo ng career ko.”

Sa Pitong Dalagita na direhe ni Cris Pablo, kasama ni Nadine bilang mga bida sina Iwa Moto, Angelica Panganiban, Cristine Reyes, Yasmien Kurdi at Jay-R Trinidad.

True-to-life story ito ng pitong dalagita na sabay-sabay na nagpakamatay. Naglaslas sila ng pulso. Pero, nabuhay ang anim at ang isa ay natuluyan. Sino kaya ang isang mamamatay? Ipapalabas na ang movie sa Nov.29.

 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007