Katrina Halili is 3 Months Pregnant with Kris Lawrence!

Mapapanood sa Startalk sa Sabado ang exclusive interview kay Katrina Halili. Si Papa Ricky Lo ang nag-interbyu kay Katrina kahapon at kinumpirma niya na buntis siya.

Three months na ang ipinagbubuntis ni Katrina Halili. Hindi pa halata ang kanyang tiyan pero happy siya sa bagong chapter ng buhay niya.



Nagkita kami ni Katrina Halili sa post birthday party ni Mama Wilma Galvante sa Imperial Palace Suites noong last week ng February. Shorts ang pang-ibaba na outfit ni Katrina at pinuna ko na bagay sa kanya na medyo tumaba siya. Buntis na pala siya ng mga panahon na ‘yon.

May tsismis na baka iwanan ni Katrina Halili ang My Beloved dahil sa kanyang pagbubuntis. Pero hindi raw mawawala si Katrina sa My Beloved dahil pinigilan siya ng production staff. Walang conflict sa show ang kalagayan niya dahil magbubuntis ang role niya sa teleserye nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Si Kris Lawrence ang itinuturo na daddy ng dinadala ni Katrina Halili. Watch ninyo sa Sabado ang Startalk dahil ipagtatapat ni Katrina ang identity ng ama ng kanyang ipinagbubuntis at ang mga plano niya ngayong magiging madir na siya.

Mukhang handang-handa na si Katrina Halili sa motherhood dahil nasa legal age na siya. Higit sa lahat, excited siya sa nalalapit na pagdating ng bagets na lu*malaki sa kanyang sinapupunan.


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007