Angel Locsin starting to be a headache for GMA-7?

May lumabas na report sa isang tabloid na wala raw utang na loob si Angel Locsin sa GMA-7. Ayon sa report, nagiging sakit na raw kasi siya ng ulo ng Kapuso Network dahil mahirap na siyang i-schedule sa trabaho. Inuuna pa raw nito ang ibang commitments, tulad ng political endorsements at ang pagsu-shooting ng kanyang unang production venture with her manager Becky Aguila, ang pelikulang Angels.

May unsolicited advice pa na dapat daw ay hindi makalimutan ni Angel na ang GMA-7 ang nagbigay sa kanya ng malaking break. Baka raw itong pagpapabaya niya sa mga assignments sa GMA-7 ang maging dahilan ng pagbagsak niya. Tandaan daw ni Angel na maraming artistang naghihintay rin ng kanilang time na mai-build-up ng Kapuso Network.

Nagtanong-tanong ang PEP (Philippine Entertainment Portal) kung totoo ang issue kay Angel. Si Ms. Redgie Acuña-Magno, production manager ng Asian Treasures, ang nagpaliwanag sa issue, na admitado niyang medyo ikinagulat niya.

"Hindi naman totoo na naging sakit ng ulo namin si Angel," pagtanggi ni Ms. Redgie over the phone. "Puwedeng may time na nagkaroon ng problema sa schedule, pero nagawan naman ‘yon ng paraan ng production. At si Angel naman, kapag nag-commit na ‘yang magtrabaho, kahit hindi na 'yan matulog, okay lang sa kanya."

Paliwanag pa ni Ms. Redgie, "Yung pagsu-shooting ng movie niya, ipinagpaalam naman niya ‘yon sa amin. At tapos na ‘yon, malapit na rin silang mag-showing. Dahil sikat si Angel, hindi mo maiaalis na marami talagang offers na dumarating sa kanya, kahit nga mga political endorsements and commitments. Ngayon lang naman ‘yon, malapit na ang election, wala na rin ‘yon [pagkatapos ng Mayo]."

Kinumusta rin namin kay Ms. Redgie ang taping ng Asian Treasures, kung saan katambal ni Angel si Robin Padilla.

Ayon kay Ms. Redgie, "Tuluy-tuloy pa rin ang taping. Kung minsan, halos every day ang taping namin. Nag-iipon kasi kami ng mga episodes na iiwanan pagpunta namin sa China sa May 21. Thirteen days kasi kami doon. Dapat ay sa May 8 kami pupunta, pero election sa May 14. Mahirap umalis, at hindi kami makababalik agad, kaya nag-move na lang kami ng date. Uunahin namin ang Macau, then sa Beijing.

"Bago umalis for China, magti-taping na muna si Angel. Baka silang dalawa lang ni Diana [Zubiri], sa Coron, Palawan. Nakapag-ocular na kami roon kaya wala nang problema. Makakabalik kami bago mag-showing si Angel ng kanyang movie sa June 13."

Matatapos na ang Asian Treasures sa June kaya tinanongnamin si Ms. Redgie kung may kasunod na bang proyekto si Angel sa GMA-7 pagkatapos nito.

"Of course, may kasunod na ‘yon," paniniguro ni Ms. Redgie, pero tumanggi siyang idetalye kung ano ang naturang project.

Pero from a very reliable source, napag-alaman ng PEP na isang straight drama ang gagawin ni Angel pagkatapos ng Asian Treasures. Malayo ito sa mga telefantasya at action-adventure series na ginagawa ni Angel para sa GMA-7.

Nangako kami sa aming source na hindi muna namin sasabihin kung anong project ‘yon at kung sino ang makakasama ni Angel. Pero tiyak daw na by June ay sisimulan na ang bagong soap opera ni Angel, na iba naman ang makakatambal niya.

Pia on Vic: He's going to be the last man in my life

AT the presscon for "Showbiz Central," John Lapus asked co-host Pia Guanio if she believes everything that her boyfriend Vic Sotto tells
her, like his declaration that she'll be the last woman in his life.

"It depends whether I'd agree or not," Pia replies. "But a lot of what he says, he really means, and I've proven that for myself. Like when I asked him to stop smoking, and he did. If I'd be the last
woman in his life, then he is going to be the last man in my life."

Most writers agree that Pia looks lovelier now. "Maganda anginfluence nila ni Vic sa isa't isa kasi pareho silang maganda ang aura ngayon," adds one writer.

"I'm glad that our relationship works well for both of us," says
Pia. "Natutuwa talaga ako when I hear people say na mas gumuguwapo si Vic ngayon. That means he's inspired by me and I'm also inspired
by him naman. Pati ang disposition niya, he's happier these days."

Lolit Solis and Patrick Garcia: Peace at last!

Tuluyan nang nagkapatawaran sina Lolit Solis at Patrick Garcia. Matatandaan na nagpakita ng galit ang Startalk host na si Lolit laban kay Patrick noong nakaraang Sabado, April 21.

Nagsimula ang galit ni Lolit sa binatang aktor nang malaman niyang pinagsarahan ni Patrick ng pinto ng kotse ang isang staff ng Startalk sa set ng Super Twins. Nilinaw din ni Lolit na naka-
schedule naman ang interview at pinagpaalam ito sa mga kinauukulan.

Lubos naman itong ipinagpaumanhin ni Patrick. Ayon sa kanya, "You know, that action wasn't called for. Kumbaga, I admit mali 'yon. In fact, hindi ko sila masyadong nakita but, you know, I apologize."

Humingi na rin ng tawad si Patrick sa mismong staff na si Baby Briones at sa lahat ng bumubuo ng Startalk. Aniya, "Now I apologize to Ms. Baby [for] that time because medyo inaantok ano noon. And maybe I wasn't also in the mood.

"'Nay Lolit, I hope everything will be okay now. I've said my piece, my side, and I have nothing against you or Startalk. I hope everything will be okay."

Samantala, buong-puso namang tinanggap ito ni Lolit. Sabi pa niya, "Okay naman sa akin. Nagpapasalamat ako dahil nag-apologize siya sa atin sa Startalk at bati na sila ni [Baby Briones]."

Dagday ng Startalk host, "Ngayong bati na sila, nagpapasalamat ako kay Patrick at naging mapagkumbaba siya, nag-sorry siya sa akin, nag- sorry siya kay [Baby], at sana nga wala nang maging kasunod pa."

Alinsunod nito, humingi na rin ng tawad si Lolit kay Patrick at pati na sa mga mga magulang nito. Aniya, "Patrick, kung sakali man na nabigla ang parents mo na idedemanda ako, ako na ang humihingi ng apology sa 'yo kung anuman ang nasabi ko."

Sa taped interview ni Patrick sa Startalk, sinabi ng binatang aktor na hindi pa niya nakakausap ang kanyang mga magulang tungkol sa usap-usapang magsasampa sila ng kaso laban kay Lolit. Gayuman, hinihiling ng aktor, "Sana hindi na lumaki [ang isyu]."

Regine Velasquez, muling pauusuhin ang wet look

IN Star Cinema's forthcoming movie, Paano Kita Iibigin, muling pauusuhin ni Regine Velasquez ang wet look.

Una itong pinauso nina Gloria Diaz at Elizabeth Oropesa sa pelikulang Ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa.

Kinunan ang eksenang wet look ni Regine sa isang beach resort sa Botolan, Zambales. Talaga raw bakat na bakat ang dibdib ng Songbird, na pagkaganda-ganda raw ng tayo.

Piolo Pascual plays Regine's leading man in the film directed by Joyce Bernal.

Regine, sabik na sa kasal nila ni Ogie sa June?

HINDI lang ang entertainment press ang nag-aabang sa iaanunsiyo ni Ogie Alcasid sa darating na June. Maging si Regine Velasquez ay
sabik na ring malaman kung ano ang ia-announce ni Ogie.

Sabi ni Regine, wala siyang maikukuwento sa mga manunulat kung ano ang ia-announce ni Ogie sa June, dahil siya man daw ay nangangapa pa rin hanggang ngayon. Wala raw talaga siyang ideya kung ano ito.

Ayaw na ring magsalita ni Regine tungkol sa tunay na relasyon nila
ni Ogie ngayon. Bahala na lang daw na si Ogie ang magsalita tungkol dito.

"Si Ogie na lang ang kulitin niyo," sabi pa ni Regine.

Well, kapansin-pansin na nagagawa na ni Regine na idaan sa biro ang tungkol sa tsismis sa kanila ni Ogie. Hindi na nga siya tulad noon na iwas na iwas sa isyu sa kanila ni Ogie.

Aminado si Regine ngayon, masaya siya sa buhay niya, at in love
siya. Pero, ayaw niyang sabihin kung `yun ay dahil kay Ogie.

"In love ako sa trabaho at sa pamilya ko," hirit niya.

Anyway, ang tungkol sa pagpapakasal nga nina Ogie at Regine ang sabi-sabi na ia-announce ni Ogie sa June. Pero siyempre, ayaw pa rin ni Regine na magsalita tungkol dito.

Mas maganda raw na si Ogie na lang ang pagsalitain.

Samantala, itinanggi ni Regine ang tsismis na nagselos si Ogie dahil sa matitindi at sangkatutak na kissing scenes at love scenes nila ni Piolo Pascual sa pelikulang Paano Kita Mamahalin, na prodyus ng Star Cinema at Viva Films.

Nilinaw ni Regine na bago pa niya tinanggap ang pelikula, alam na niya na maraming ganu`ng eksena sila ni Piolo.

Sabi nga ng isang malapit kay Regine, walang dapat ikaselos si Ogie kay Piolo.

Siyanga pala, si Bb. Joyce Bernal ang direktor ng pelikula.

Showbiz Central

Sa Linggo magsisimula ang tapatang Showbiz Central at The Buzz. Tapatan din ito ng magkapatid na sina Raymond at Ruffa Gutierrez. Ayon kay Raymond, walang problema sa kanila ng ate niya ang pagtatapat ng kanilang shows.

Noong una raw na pinag-usapan nila ang tungkol sa pagtatapat ng
shows nila ay natawa pa sila. "Okey lang, I just hope na huwag kaming intrigahin ni Ate!" sey ni
Raymond.

Excited si Raymond sa pagho-host ng Showbiz Central dahil makabago raw ang approach nila sa pagdi-deliver ng showbiz news and happenings.

Hindi na pinapansin ni Raymond ang pang-iintriga ng iba na hindi siya bagay na mag-host ng isang showbiz talk show.

Glaiza de Castro, magpapa-sexy na?

ANG kapatid ni Alchris Galura na si Glaiza de Castro ang dahilan kung bakit hindi personal na natanggap ng una ang kanyang Best Performance by a Leading Actor- Drama sa 4th Golden Screen Awards ng EnPress.

Isinama ni Glaiza ang bunsong kapatid sa location shoot ng digital film na Still Life sa isang isla sa Quezon Province. Nanghihinayang man ang aktres pero natutuwa naman daw siya dahil hindi siya pinabayaan ng bunsong kapatid sa pagbo-volunteer nito na maging "alalay" niya sa bundok.

"Nanghinayang ako para sa kapatid ko," Glaiza admits. "Pero blessing in disguise na rin kasi may isang eksena sa movie na kailangan kong umiyak. When I learned about it, naging motivation ko `yun para mapaganda `yung eksena."

Said digital film is intended for the 3rd Cinemalaya Independent Film Festival which will start sometime in July. May pressure raw kay Glaiza. Sa 2nd Cinemalaya, Alchris won as Best Actor for the digital film Batad Sa Paang Palay na nagbigay din ng Best Actor --Drama sa kapatid niya sa Golden Screen Awards last March.

Unang in-offer ang Still Life kay Maja Salvador. Bale lumalabas na second choice lang si Glaiza. Pero okay lang daw sa kanya kung second choice lang siya. Ang importante, ayon na rin sa aktres ng Asian Treasures, sa kanya napunta ang project.

"I don't mind. Happy na rin ako dahil nagkaroon ako ng pelikula. Excited rin ako dahil first independent film ko ito at entry pa sa Cinemalaya," sambit pa ng look-alike ni Angel Locsin.

Hindi isinasara ni Glaiza ang posibilidad na tumanggap siya ng offer to pose for a men's magazine. Katunayan, may mga offer na raw ang FHM at UNO pero undecided pa rin daw siya to plunge into it.

"Actually, may offer na po sa akin. Una, parang ayokong mag-follow ng fad. Nagiging trend na kasi ngayon, eh, sa papo-pose sa magazine. Parang iniisip ng tao na kaya sila nagpo-pose dahil `yun ang last recourse nila pero para sa akin I have nothing against posing for a men's mag."

At kung meron man daw siyang gustong patunayan ay makilala siya bilang isang mahusay na aktres.

"Kung tutuusin, kaya ko namang gawin. Bakit hindi? Pero hindi pa naman ako nagsasara ng pinto. At ayoko pa ring magsalita nang tapos pero sa ngayon, gusto ko munang magkonsentreyt sa pag-arte at makilala bilang mahusay na aktres o pagkanta," sambit ni Glaiza. Sa ngayon, maglalagare si Glaiza sa dalawang TV shows sa GMA, ang Asian Treasures na pinagbibidahan nina Angel, Marvin Agustin, Marky Cielo at Robin Padilla at Boys Next Door kung saan makakasama naman niya ang mga StarStruck graduates na sina Mart Escudero, Aljur Abrenica, Rich Asuncion, Jesi Corcuera, Steff Prescott at marami pang iba.

Aljur Abrenica admits crying over Kris Bernal

The last time na nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang StarStruck Batch 4 Ultimate Hunk na si Aljur Abrenica ay isiniwalat niya kung hanggang saan umabot ang nararamdaman niya para sa female Ultimate Loveteam winner na si Kris Bernal.

Inamin ni Aljur sa PEP na iniyakan niya si Kris noong ongoing pa ang competition nila sa StarStruck. Nangyari raw ang kanyang pag-iyak
noong nasa Tagaytay sila .

Ayon kay Aljur, umiyak daw siya dahil na-realize niyang may mga nasabi siya at naipahayag na nakasakit ng damdamin ni Kris. Habang nasa biyahe sila pabalik ng Maynila ay umiyak sa loob ng sasakyan si Aljur nang walang nakakakita. Maging si Kris man ay umiyak sa mga sinabi ni Aljur ngunit ginawa niya ito on cam habang ini-interview siya ng staff ng StarStruck.

Ayon kay Aljur, si Kris pa lang ang pangalawang babaeng iniyakan niya. Ang una raw ay ang ex-girlfriend niya sa Pampanga.

Bagama't naka-move on na siya sa nararamdaman niya para kay Kris, inamin ni Aljur na hindi yun naging madali para sa kanya. Inisip na lang niya na kailangan niyang magparaya dahil nga may iba nang ka-loveteam si Kris sa katauhan ni Mart Escudero.

Ayon pa kay Aljur, inisip niya lang daw ang kapakanan ni Kris. Kung eeksena pa raw kasi siya ay baka makasira siya sa career nito. Isa pa, alam niya at tanggap na niyang mas masaya ngayon si Kris bilang kapareha ni Mart.

In love siya noon kay Kris, pero diretsahang sinabi ni Aljur na ngayon ay hindi na. Although may nararamdaman pa siya para sa dalaga, alam ni Aljur na magiging mahirap kung itutuloy pa niya ito.

Magkasama sina Aljur at Kris sa kauna-unahang programa ng StarStruck Batch 4 graduates sa GMA-7, ang The Boys Next Door. Strictly professional na lang ang kanilang pagsasama dahil si Mart ang ka-partner dito ni Kris.

Valerie Concepcion, pantasya ni Carlo!

May kopya ng FHM magazine si Carlo Aquino na si Valerie Concepcion ang cover. Aminado si Carlo na kasama na sa file niya ang mga seksing larawan ni Valerie.

`Yun nga lang, ayaw sagutin ni Carlo ang tanong sa kanya kung madalas ba niyang pagpantasyahan ang mga seksing larawan ni Valerie. Pero, aminado siyang hot na hot ang dating ni Valerie sa kanya.

Sabi pa ni Carlo, may kakaibang beauty kasi si Valerie. Morena raw kasi, at kahit may anak na ito, hindi pa rin nabawasan ang sex appeal nito sa kanya.

"Tapos, mukha siyang suplada, pero hindi pala. Mahilig siyang magkuwento. Makulit siya at madaldal.

"Maganda ang chemistry namin. Tahimik ako at masayahin siya," sabi ni Carlo.

Sa presscon nga pala ng Sinasamba Kita ng GMA 7, bitbit ni Carlo ang kanyang digital camera na kung saan ay may mga kuha si Valerie.

Yasmien Kurdi reprises Sharon Cuneta's role in "Pati Ba Pintig ng Puso"

Hindi pa man nagsisimulang ipalabas ang Sinasamba Kita, ang unang
handog ng Sine Serye ng GMA-7, ay nagkaroon na ng story conference
para sa susunod na episode ng naturang serye. Ito ay ang remake ng
1985 movie ng Megastar na si Sharon Cuneta, ang Pati Ba Pintig ng
Puso?. Balitang first week of May nakatakdang mag-first taping day
ang second offering ng Sine Serye.

Ang Pati Ba Pintig ng Puso? ay pinagtambalan noon nina Sharon at ng
kanyang dating asawa na si Gabby Concepcion. Kasama nila rito sina
Eddie Garcia, Dina Bonnevie, Edu Manzano, Jobelle Salvador, at ang
yumao nang sina Charito Solis at Joel Alano.

Sa TV version naman ng Viva Films classic na ito, first time na susubukan ng Kapuso Network ang tambalang Yasmien Kurdi at JC de Vera, na gaganap sa mga roles nina Sharon at Gabby.

Napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na kasama rin sa cast ng TV version ng Pati Ba Pintig ng Puso? sina Eddie Gutierrez sa role ni Eddie Garcia noon, si Karel Marquez sa role ni Dina Bonnevie, at si Chynna Ortaleza sa role ni Jobelle Salvador. Makakasa rin daw rito sina Jennifer Sevilla, Marco Alcaraz, at Kier Legaspi.

Ayon pa sa balita, tila hindi na raw hihintayin ng GMA-7 na matapos ang Sinasamba Kita bago ipasok ng GMA-7 ang Pati Ba Pintig ng Puso? dahil sunud-sunod na raw itong mapapanood after ng Daisy Siyete.

Isa sa pinaka-memorable scene sa pelikulang Pati Ba Pintig ng Puso? ay ang helicopter scene, kung saan bumaba si Gabby pauwi sa kanilang hacienda. Ayon sa PEP source, na kasama sa production team ng TV version, pipilitin nilang maipakita rin ang naturang scene sa remake
nito.

A man claims he is the real father of Rainier Castillo

May ginawang game para sa entertainment press ang Showbiz Central, ang bagong Sunday showbiz talk show ng GMA-7, na ini-launch kagabi sa Annabel's restaurant. Pinagtanong ang mga invited press ng tig-iisang hard-hitting question. Piliin daw nila ang una nilang itatanong kung sila ang ilalagay na jury sa show.

Isa sa mga nanalo ay ang tanong na kung alam ba ng young actor na si Rainier Castillo na may isang lalaki na nagki-claim ngayon na ama raw siya ng binata. Of course, hindi ito nasagot ni Rainier dahil wala naman ang StarStruck Batch 1 First Prince sa press con.

Sinuwerte lang ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na nasaStation 168 Internet Café, na katabi mismo ng Annabel's restaurant, si Rainier, kung kaya't naitanong namin agad ito sa kanya pagkatapos ng Showbiz Central press con.

"May bago na naman?" ang balik-tanong sa amin ni Rainier na ikinagulat naman namin.

Aniya, "Marami nang nagki-claim na tatay ko raw, kaya pang-apat na `yang sinabi nyo sa akin. Kilala ko ang tunay kong ama. Nasa States siya ngayon at may communication sila ng Ate ko sa Internet.

"Nang bumalik siya rito, bumisita siya sa bahay pero wala ako doon kaya hindi kami nagkita. Pero sila ng Ate ko nagkita. Hanggang ngayon, may communication pa rin sila ni Ate through emails at chat."

Nagsimula raw may mag-claim kay Rainier bilang anak nila nang natapos ang kauna-unahang StarStruck, ang reality-based artista search ng GMA-7. Before that, nang isa pa lang siyang normal na estudyante, wala naman daw siyang naririnig na ganoon.

Wala pa rin ni isa sa mga sinasabing claimants ang lumalapit sa kanya para magpakilala.

Katrina Halili: "Ayoko nang magtiwala sa mga lalake!"

"Ayoko munang mag-boyfriend!" Ito ang mariing sinabi ni Katrina Halili nang usisain ng PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa kanyang lovelife sa taping ng GMA-7 gag show na HP: To The Highest Level Na! last April 24.

Nang tanungin ng PEP kung ano ang dahilan kung bakit, tumangging mag-elaborate pa ng sexy young actress. Tila mayroong sad experience si Katrina sa nagdaang relasyon niya kaya takot na siyang muling magmahal. Ang huling boyfriend ni Katrina ay si Bullet Jalosjos.

Ayon kay Katrina, "Ayoko nang magtiwala sa mga lalake! Mahirap, e. Bukod sa nawawala ang focus ko sa trabaho kapag in-love ako, karamihan pa ng fans ko ay nagseselos. Siyempre, karamihan sa kanila ay lalake kaya mas gusto nilang wala kong bf."

Sabi pa niya, "Okey lang kahit tawagin akong manhater. Mas masarap magtrabaho kaysa mag-boyfriend."

Ang una at huling nakarelasyon ni Katrina na taga-showbiz ay si Andrew Schwimmer, na dating alaga ng talent manager na si Douglas Quijano.

Bagama't inili-link sa kanya si Mark Herras, ayon kay Katrina, "Hindi ko naman naging boyfriend si Mark. Kaibigan ko lang `yon. Hindi ko nga alam kung bakit walang nanliligaw sa akin, e. Pero mas mabuti na yung ganun para mas tahimik ang buhay ko."

Sinabi pa ni Katrina na mas enjoy siya sa paglalaro ng kanyang mga collection ng Barbie dolls kaysa pag-ukulan ng pansin ang mga lalake.

"May collection ako ng Barbie dolls, at pag-uwi ko ng bahay ay nilalaro ko `yon. Para nga akong bata na ngayon lang nagkaroon ng Barbie, e. Bumili pa talaga ako ng Barbie table at umuupo ako dun," natatawang wika niya.

"Minsan pag umuuwi ako sa bahay, matingnan ko lang ang Barbie collection ko ay masaya na ako. Wala pang Ken [boyfriend ni Barbie] ang mga Barbie ko. So malalaman nyo kapag na-in love na uli ako kapag nagkaroon na ng Ken ang mga Barbie ko!" biro pa niya.

Sa kasalukuyan, nakatuon sa kanyang career si Katrina.

"Kailangan kong kumayod nang kumayod. Wala nga akong sariling condo, nagre-rent pa lang ako. Yung kotse ko, hinuhulugan ko pa rin `yon, e. Siguro kapag dalawa na ang regular shows ko, makakaipon na ako. So work and work muna ako at wala muna sa bokabularyo ko ang boys,"
pagwawakas ng sexy young actress.

Mark Herras talks about his playboy image

Isa sa leading ladies ni Mark Herras sa Fantastic Man ang dating na-
link sa kaniya na si Ryza Cenon. Tinanong namin ang young actor kung
ano ang pakiramdam niya na maayos na ang sitwasyon ngayon sa pagitan
nina Ryza at Jennylyn Mercado, ex-gilrfriend ni Mark.

Matatandaang nagkaroon ng alitan noon sina Jennylyn at Ryza dahil kay
Mark. Hindi nakialam si Mark sa gap ng dalawang young actress.

"Before, nung nag-away sila, sabi nila because of me daw. Ngayon,
yung away nila na sobrang tagal na, parang wala na akong kasalanan
dun," rason ni Mark.

"Kasi kami ni Ryza, we're friends, ganun din kami ni Jen. Kung may
away sila, hindi ko na ano yun. Kaya kung okay na sila, e, di
maganda. Okay na kaming lahat, wala na dapat na intriga pa tungkol dun. Tapos na yun, hindi na dapat pang binabalikan at pinag-uusapan, " paliwanag pa niya.

Napag-usapan din namin ni Mark sa recent visit namin sa taping niya for Princess Charming, na magtatapos na this week, ang image niya bilang isang babaero. Ayon kay Mark, kung naging babaero man siya, never siyang nagkaroon ng girlfriend nang sabay-sabay.

Ang babaero raw kasi, sabay-sabay mag-girlfriend, na ni minsan daw ay hindi naranasan ni Mark. Ang paggi-girlfriend daw niya ay isa-isa lang pero sunud-sunod, na hindi naman daw niya sinasadya. Malaki raw ang pagkakaiba nun.

Sinabi ni Mark na may mga pagkakataon pa nga na nali-link siya sa mga kaibigan lang niya. Iniintriga agad na nililigawan niya or nagiging girlfriend niya kahit hindi.

Kahit sila raw ni Nicole Anderson, na niligawan niya, na kasama rin ni Mark sa Fantastic Man, okay na ang sitwasyon sa pagitan nila.

Ipinahayag pa ni Mark na ngayon mas malawak na raw ang pag-iisip nila pareho ni Nicole kaya alam nila kung paano i-handle nang maayos ang sitwasyon, kung paano ibalanse, at ihiwalay ang anumang personal issues sa kanila noon at sa trabaho nila ngayon.

SexBomb Aira back from Japan

Bago matapos ang taong ito bibili na ng sarili niyang bahay ang SexBomb dancer na si Aira Bermudez. Nakapag-ipon na si Aira mula sa kinita niya sa Japan, kung saan siya nagtrabaho mula October 2006 hanggang April 5, 2007.

Probinsiya ang napuntahan ni Aira sa Japan para mag-show, at mula rito ay nakapag-uwi siya ng malaking pera at mga mamahaling electronic devices. Dalawa ang laptop na naiuwi ni Aira na nagkakahalaga diumano ng higit sa P100,000, dalawa rin ang digital cameras, dalawa ang PS3, maraming alahas, at pera. Ang mga ito ay mula sa kaniyang nakuhang tip.

Itinanggi ni Aira na galing sa kaniyang Japanese boyfriend ang mga nauwi niyang electronic devices, alahas, at pera. Aniya, ginalingan lang daw niya ang pagsasayaw at pagku-comedy kaya naaliw ang mga customers sa kaniya.

Uunahin muna ni Aira ang pagbili ng tinutuluyang bahay ng kaniyang pamilya sa Tondo. Pagkatapos nito ay siya naman ang bibili ng para sa kaniya.

Na-miss ni Aira ang SexBomb lalo't nagkaroon ng showdown ang grupo niya at ang EB Babes sa Eat Bulaga!. Kasama na ngayon sa Daisy Siete Season 15 sa episode na "Isla Chikita" si Aira.

Patrick Garcia clashes with "Startalk" staff

Magkaiba ang versions ng kuwento ng nagka-engkuwentrong Startalk staff at si Patrick Garcia.

Last Saturday, April 21, mainit ang naging comment ni Lolit Solis kay Patrick dahil sa diumano'y "pambabastos" daw nito sa staff ng Startalk when the young actor was asked for an interview sa set ng Super Twins.

Diumano, bukod sa hindi na nga nagpa-interview si Patrick sa Startalk staff, pinagsarhan pa nito ng pinto ng kotse niya ang staff pagkatapos nitong sumigaw ng "Natutulog ako!"

Isang text message agad ang natanggap namin after the broadcast in defense of Patrick.

To wit: "Man of few words si Pat. I'm sure he didn't mean to hurt anyone, most especially the press. Naalimpungatan lang siguro. You know the saying 'magbiro sa lasing huwag lang sa bagong gising.' Pat's a gentleman."

All should have been well and the topic should have rested ngunit nakarating sa staff ng Startalk that Patrick was quoted daw saying na isa sa ikinainis niya ay natutulog na nga siya sa kotse niya, binuksan pa raw ng staff ng Startalk ang pinto ng kotse niya.

Nakausap namin ang mismong staff in question.

Ayon dito, "Una, may basbas ang interview mula sa kaniyang manager [Arnold Vegafria], sa handler niya, and sa EP of Super Twins [Edlyn Tallada]. Bago kami nagpunta sa set, pinagpaalam namin ito sa kanila kung puwedeng ma-interview si Patrick. Everyone said yes.

"Nang dumating kami, nagpasabi kami agad sa director [Dominic Zapata] at sinabihan kaming free that time si Patrick, kung kaya't pinahanap agad siya ng EP sa isang PA, at nasabi ngang nasa kotse siya. Lumapit kami sa kotse niya at habang hinahanda na namin ang camera, kinatok siya ng PA dahil nandoon na nga kami at kung puwedeng ma-interview siya.

"Nakabukas na ang pinto noon, nagsalita na siya agad ng 'Natutulog ako!' bago niya ito isinara. Kung sarado ang pinto at natutulog nga siya, bakit hindi bukas ang aircon ng kotse? Isa pa, hindi kami friend ni Patrick para buksan ko ang pinto," kuwento pa ng Startalk staff.

Hopefully, maayos din ito sakaling pumayag nga si Patrick na magpa-interview siya nang live sa Startalk this Saturday.

Dennis Trillo faces video scandal?

What do Piolo Pascual, Ethel Booba and Alex Crisano, Mahal, former sweethearts Mark Herras and Jennylyn Mercado, Karel Marquez, Francine Prieto, and Aubrey Miles have in common?

A video scandal—according to the rumor mills.

The "video scandal" became one of the most frequent and alarming issues faced by celebrities in 2005. Most of the video-scandal victims claimed that theirs was a case of mistaken identity; some chose to keep totally mum about the issue; and only one openly admitted she was the subject of the video.

Here's the latest.

John "Sweet" Lapus received this MMS (Multi-Messaging System) video from, in his words, one of his "anak-anakan gays." It's an 11-seconder video of a guy playing with his, uhh, toy. Now, the intriguing thing about it is—the guy resembles Dennis Trillo!

Our PEP (Philippine Entertainment Portal) blogger couldn't contain his curiosity so he gave Popoy Caritativo, Dennis's manager, a phone call. Bluntly, Sweet asked him if Dennis is the guy on the video.

Popoy reportedly said that, at first glance, the picture did look like his alaga. But that when he looked at it more closely, the guy looked much younger.

Showbiz Central—which has just replaced SFiles as GMA-7's entertainment program for Sundays—has the exclusive story on Dennis's reaction to the video. Don't miss the first episode this Sunday, April 29, at around 4 p.m.

Vic Sotto's greatest fear: To lose Pia Guanio

Top comedian-TV host Vic Sotto appeared on the last episode of S-Files last April 22. Pia Guanio, Vic's girlfriend and one of the hosts of the GMA-7 showbiz talk show, turned her interview with the comedian into a game called "Icon.fess." Vic filled in the blanks after Pia started the sentence with "I confess." Vic, although surprised, gamely agreed.


Pia: I confess that ang secret sa acting success sa showbiz ay...

Vic: Pagmamahal. (With his answer, the audience went wild. "Ang aga naman nun!" Pia laughed.)

Vic: Ang ibig sabihin ng pagmamahal, pagmamahal sa trabaho. Kasi para sa akin at sa lahat ng tao, kung ano man ang trabaho mo—ke showbiz o hindi—importante na mahal mo ang iyong trabaho. Doon ka magiging successful, e, pag enjoy ka sa trabaho mo.

Pia: Ilang taon mo na bang minamahal ang industriyang ito?

Vic: More than half of my life. I started when I was 16 years old, at ngayon na ti-three na ako, so matagal-tagal na rin. (Vic was making a clear but funny point of not revealing his real age, so he makes it sound like ‘ti-three.')

Pia: I confess that the biggest challenge na hinarap ko bilang ama ay...

Vic: Pagiging isang mabuting ama. I always tried being a good father, but I know I'm not an ideal father. Marami akong pagkukulang sa mga anak ko.

Pia: I confess ang greatest weakness ko ay...

Vic: Hirap akong tumanggi sa humihingi ng tulong. Yung mga lumalapit, lalo na sa pinansiyal na aspeto. Minsan kasi para sa akin, hindi lahat ng humihingi ng tulong ay dapat tulungan. Kasi may mga humihingi ng tulong na hindi ka sigurado kung saan mapupunta ‘yong pera, baka sa kung saan-saan kalokohan lang. Pero siyempre, hindi ko basta-basta matanggihan.

Pia: I confess ang aking ultimate fear ay...

Vic: [To Pia] Mawala ka sa buhay ko... No explanation needed. It's self-explanatory. (Once again, the crowd went wild. It took about a minute for the noise to calm down.)

Pia: I confess ang greatest sacrifice na ginawa ko para sa aking lovelife ay...

Vic: Greatest sacrifice ay yung pagtigil sa paninigarilyo. First-year high school pa lang yata ako naninigarilyo na ako. And it wasn't easy kicking the habit, but I'm trying my very best na talagang hindi na babalikan. (It was Pia who asked Vic to stop smoking, as a Valentine's gift to her.)

Pia: I really wanna say I'm proud of you. Ever since he said that he was gonna stop, he's never picked up a cigarette since. Never.

Pia: I confess ang aking most guilty pleasure ay...

Vic: Lumalabas ba ang ‘ab' ko? [Vic pointed his tummy]. Guilty pleasure is, of course, kumain. Nahawa yata ako sa ‘yo, e [referring to Pia].


Vic Sotto's "ti-third" birthday, by the way, is next week, so S-Files wanted to know what Vic would want to receive from Pia for his birthday.

"For my birthday?" Vic says. "Baliktarin naman kaya natin. Ikaw [Pia] naman kaya sumagot nung questions."

Now, the tables have turned. It's Pia's time to play the game. What happened next was a series of one-liners with short intermissions from screaming fans.


Vic: I confess na mahal na mahal ko si...

Pia: Vic Sotto.

Vic: I confess, when you look at me, I feel...

Pia: Awesome.

Vic: I confess I like it when you...

Pia: Tell me you love me.


They ended the fun interview with a kiss. The other hosts—Paolo Bediones, John "Sweet" Lapus, and Joey Marquez—barely heard themselves from the loud screams of the kilig fans.

S-Files will be replaced by Showbiz Central—to be hosted by Pia and Sweet, with Raymond Gutierrez—starting next Sunday, April 29.

Mark Herras lacks sex life

LALONG pumayat si Mark Herras dahil sagad na naman siya sa trabaho. Tatlo na nga ang shows niya sa GMA-7 at mukhang ganadung-ganado siya sa trabaho kahit na parati siyang pagud na pagod.

Sabi nga ni Mark, wala na siyang panahon sa mga babae. Pero bakit natsitsismis sa kanya ang EB Babe na si Lian Paz? Nandiyan pa si Janelle Jamer.

Sabi ni Mark, parang pinalalabas daw sa tsismis na manyak siya, na kahit pagod ay sige pa rin sa mga babae.

"Sa Fantastic Man pa lang, may pressure na kaya paano pa ako mambababae? Lahat ng energy ko ay dito ko sa show nilalagay at hindi sa mga babae."

Wala na nga raw siyang energy na mambabae.

"Ganun na nga! Pero minsan may reserba pa rin! Ha! Ha! Ha! Ha!" malakas na tawa ni Mark.

"Pero serious tayo, wala akong time sa babae talaga. Wala akong time na magpahinga nang husto kasi almost everyday ay may work ako. Kaya saan pa papasok ang babae?"

Sabi, hindi kumpleto ang buhay ni Mark kapag walang nali-link sa kanyang babae. Aba, sa pagiging babaero o habulin ng mga babae nga nakilala si Mark, `di ba?

"Kasalanan ko ba? Ha! Ha! Ha! Ha!" tawa niya ulit.

"Kayo lang naman ang nagsasabi niyan, eh, kaya naniniwala ang mga tao. Good boy ako, no! Ha! Ha! Ha! Ha!

"Naumpisahan na kasing matawag akong babaero, eh. Hindi naman totoo ‘yon. Malapit lang ako sa girls kasi palakaibigan ako. Hindi naman ako ‘yung basta na lang syosyota ng kung sinu-sino, ‘di ba? Kahit na lalake tayo, marunong naman tayong mamili ng seseryosohin."

"Sa ngayon wala akong karelasyon. Kung sino man ang mag-claim na girlfriend ko sila, hindi totoo ‘yon. Kaibigan ko lang sila."

Giit nga ni Mark, kahit ang sex life niya ay nakakalimutan na niya dahil sa sobrang pagod sa trabaho.

"Ano ba ‘yan? Pagod nga ako, eh! Ha! Ha! Ha! Ha!" tawa niya.

"Kapag pagod ang tao, pagod lahat! Ha! Ha! Ha! Ha!

"Iniisip ko na lang ang mga magagandang bagay tulad ng career ko. ‘Yung mga personal na pangangailangan, darating din tayo diyan. Hindi naman siguro ako manyak para maka-score kahit na sobrang pagod ako. Kapag pahinga, pahinga talaga. Naglalaro na lang ako sa isipan ko! Ha! Ha! Ha! Ha!" patapos na sabi ni Mark.


Mike Tan has not yet moved on after break-up with LJ Reyes

Matagal nang naghiwalay ng landas ang StarStruck 2 graduates na sina Mike Tan at LJ Reyes. Pero dahil pareho silang talents ng Artist Center ng GMA-7, madalas pa ring mag-krus ang kanilang landas.

Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Mike at kinumusta namin sa kaniya ang pakikitungo nila ni LJ ngayon sa isa't isa.

"Tulad pa rin ng dati," matipid na sagot ni Mike.

Kailan sila huling nagkita ni LJ?

"'Pag pareho kaming nasa SOP, ‘pag Sunday," sabi ng young actor.

Nagkakaharap at nagkakausap ba sila nang matagalan?

"Nagkakatinginan," aniya. "Kasi aminado ako sa sarili ko na ilang ako. Umiiwas na ako, e. Kumbaga, may boyfriend siya."

Ipinaalala ng PEP kay Mike na break na si LJ at ang sexy actor na si Alfred Vargas.

"Hindi ko alam kung ano totoo dun, ang sabi cool-off," paliwanag niya.

Ano ang reaction ni Mike nang una niyang mabalitaan na nagkakalabuan na ang relasyon nina LJ at Alfred?

"Wala lang. Parang mabuti na rin siguro yun kasi ang daming ginagawa ni LJ, e. Kung hindi ako nagkakamali, nagte-taping siya, tapos nag-aaral pa siya. Ngayon, may business pa siya," sabi ni Mike.

Dalawang TV shows ang pinagkakaabalahan ngayon ni LJ, ang Lupin at ang "My Ghost Bride" episode ng Magic Kamison.

Ngayong break na sina Alfred at LJ, wala pa rin kayang pag-asa na magkabalikan sina Mike at LJ?

"Hindi natin masasabi kung anong meron," ani Mike. "Pero hindi naman ako nagsasalita ng tapos. Lahat naman kasi ng bagay may posibilidad, e. Ang hirap magsabi na malabo na."

In good terms ba sila ni Alfred?

"Civil, batian lang," matipid niyang tugon.

Pero may soft spot pa rin ba si LJ sa puso ni Mike?

"Siyempre may concern pa rin ako para kaniya. Naging kaibigan ko siya, naging mabuti kami sa isa't isa," aniya.

Mahal pa ba ni Mike si LJ?

"Tapos na kami. Wala na. May concern na lang ako siguro sa kaniya," diin ni Mike.

Bakit hindi niya agad mapalitan si LJ? Ang lumalabas tuloy, hindi pa nakaka-move on si Mike.

"First girlfriend ko kasi si LJ," sagot niya. "Aminado ako na medyo nahirapan akong maka-move on after ng relationship namin. Siguro wala pa akong nakikitang gusto ko. Na-realize ko lang ulit na sobrang sarap maging single."

Ten months naging mag-on sina LJ at Mike at mahigit isang taon na silang magkahiwalay ng landas.

Ano ba ang mga qualities na hinahanap ni Mike sa isang babae?

"Dati sinasabi ko na gusto ko morena, simple lang, yung maayos yung ngipin, matangos ang ilong, bilugan yung mata, pero hindi siya nangyayari. Kumbaga, sa akin hindi mo puwedeng sabihin or piliin yung dream girl mo talaga. Kusa na lang talaga siyang darating. Kung kanino ka magiging kumportable, dun ka mahuhulog," pahayag pa ni Mike.



Patrick, ayaw patulan si Lolit

Kahapon sa Wow... Ang Showbiz! radio program ay nagpaliwanag si Patrick Garcia sa isyung hindi na siya nagpainterbyu sa mga taga-Startalk ay binastos pa niya ang mga ito dahil pinagsarhan niya ng pinto.

Ayon kay Patrick, kung alam daw niya na iinterbyuhin siya ng mga taga-Startalk sa taping, sana raw ay pinaghandaan niya ‘yon.

Natutulog daw siya sa loob ng kotse at nakasandal siya sa may pintuan nang biglang buksan ‘yon ng kanyang maid.

Isinara raw niya ‘yon bigla dahil malalaglag siya.

"Hindi ko po alam na kaya binuksan ng maid ‘yung pinto ng kotse eh dahil gusto akong interbyuhin ng mga taga-Startalk.

"Hindi po intentional ‘yon. Kung akala po nila, eh, binastos ko sila, I apologize po!" pahayag ng young actor.

Hindi raw gusto ni Patrick ang sagutin ang mga litanya ni Manay Lolit.

Naniniwala raw ang boyfriend ni Jennylyn na nakapag-dialogue lang si Manay Lolit against him dahil sa nakarating na balita rito.

Nagpahayag din si Patrick na hindi masama ang loob niya kay Mother Lily Monteverde at sa Regal Entertainment dahil sa pagkakaalis niya sa cast ng Tiyanak, ang pelikulang pagtatambalan nina Jennylyn at Mark Herras.

Maging siya raw ay hindi magiging komportable kung magkakasama silang tatlo sa pelikulang ‘yon dahil alam niyang iintrigahin lang sila.

Isa pa, sa Hunyo rin daw kasi ipalalabas ang isang movie na kasama sila ni Jennylyn, kaya okey rin na nawala siya sa Tiyanak.

Nilinaw rin ni Patrick na hindi niya minahal si Jennylyn para maging ka-loveteam, kaya okey lang kung hindi sila pagtambalin sa TV o pelikula.

"Niligawan ko si Jennylyn dahil gusto at mahal ko siya. Hindi para maging magka-loveteam kami.

"Actually, kapag magkasama kaming nagge-guest sa ilang TV shows, eh, naiilang pa ako.

"Sa akin kasi, masaya na ako na kaming dalawa kahit hindi pa kami ang gawing magka-loveteam," pahayag ni Patrick.

Angel Locsin: Enterprising GMAAC talent

Angel Locsin, one of GMA Artist Center’s prized gems, is certainly an icon of today’s generation worth emulating with her diligence, determination and hardwork. She not only excels in acting; she has also maintained a wholesome image, both in her personal and public lives. She has made a good name in everything she does, and that include having proven herself as an effective and sought-after product endorser.

And now, Angel moves a step higher in the ladder of success as she tries her hands in another field - movie production!

This latest endeavor of Angel is in collaboration with her manager, Ms. Rebecca "Becky" Aguila, and her brother and some other business partners. They’ve recently wrapped up production on "Angels," a trilogy starring Angel, Marvin Agustin, Jennylyn Mercado, Paolo Paraiso, the Aguila twins, Empress Schuck et al, and directed by Gina Alajar, Dingdong Dantes, and Mark Reyes.

Since I cannot interview Angel personally (I’m still on my sabbatical in cold New York), we did a chat through email and I’m sharing you the result.

Question: What made you decide to produce a movie?

Angel Locsin: The main reason is for growth and enhancement. I want to learn the business and hopefully help generate jobs and create beautiful movies.

Q: Why this time when the industry is still on the slump?

A: It takes one to trigger other producers to participate again in film making.

Q. And why a trilogy?

A: We wanted to create three different stories and come up with three powerful casts and directors with different strokes and attacks.

Q: This is Dingdong Dantes’ first directorial job; Why did you choose him?

A: He is perfect. he’s young, aggressive with fresh ideas.

Q: Was it really in your agenda to become a movie producer?

A: My manager Tita Becky gave me the idea to produce. I thought about it and I said yes.

Q: For your next production, if ever, would you consider co-starring with your ex, Oyo Boy? If not, who would you like to be paired with?

A: If the role would fit into his character...why not?

Q: You’ve portrayed mostly romantic roles; what would be your dream role, something you consider most challenging?

A: I would like to play an independent woman like Angelina Jolie in Tomb raider. That's why in this movie I developed my character to be like that.

Q: In "Angel of Mine," what kind of role do you play? How different is it from your previous roles?

A: In this movie I play Angie, a reporter who is independent and hardworking. She is distant from other people.

Q: Do you dream of directing a movie too someday?

A: Yes at the right time I would like to direct

Q: How do you define success? Happiness?

A: Success- acheiving your goals in life happiness — having peace and harmony with everyone

Q: How do you assess yourself now in terms of success?

A: I am so blessed

Q: What is your ultimate goal in life?

A: To have a good family life...a good husband and wonderful children

Q: How long are you giving yourself in show business?

A: right now until the people want to see me on TV.. I’ll be there
Q: You’re a very busy person; what do you do for relaxation or recreation?

A: Watch dvds and workout

Q: What makes you happy? What makes you mad?

A: Happy- being with the people i love mad — not being able to spend time with my family.

Q: Are you a religious person? What do you pray for?

A: yes....peace and harmony in our lives

Q: What did you do during the Holy Week?

A: I stayed home and rested

Q: Describe the real Angel Locsin.

A: She is simple and independent.

Q: What are your advocacies or charity works?

A: I support Gabriela and I would like to have a foundation for oppressed kids and for the blind

Q: If you were to retire now, what would be your fondest memories of showbiz and the most bitter?

A: The fondest would be every single day I see my fans screaming my name they make me so happy. bitter? none i guess...you get intrigues and all but it happens you know.

Q: Favorites: Food, song, movie, actor/actress singers; place, perfume, flower, cartoon character, book, etc.

A: Food- spaghetti and sinigang na baboy sarap song- anything by nirvana. Actor-Johnny Depp, actress- Meryll Streep, singers-Beyonce place-my new house haha. Perfumeeclat, flower-roses, cartoon-Homer Simpson, book-Harry Potter.

Q: If you didn’t enter showbiz, what would you be doing today?

A: I would be studying criminology

Q: I you were a real angel, who would you want to take care of?

A: My family especially my dad..

Q: What is your philosophy in life?

A: Life is like a box of chocolates sometimes its sweet sometimes it's bitter—

Patrick, antipatiko sa Startalk

Kung magkakaroon ng botohan sa mga taga-Regal Films kung sino kina Patrick Garcia at Mark Herras ang mas gusto nilang maka-partner ni Jennylyn Mercado sa Tiyanak, tiyak nang si Mark ang wagi.

Ilan sa mga naririnig naming involved sa naturang project, hindi nila type si Patrick dahil antipatiko ito.

Parang ayaw naming maniwala kahit paminsan-minsan ay nagpapakita ng kasupladuhan ang aktor kapag ini-interview o naggi-guest sa Startalk.

Baka hindi lang niya kayang magpakaplastik kung hindi siya
kumportableng magpa-interview.

Nu'ng nakaraang Biyernes ay nagpakita si Patrick ng kaantipatikuhan sa ilang staff ng Startalk nang sinadya ito sa taping ng Super Twins para kunan ng reaksyon tungkol sa isyu ng casting sa Tiyanak.

Bago pumunta roon ang mga taga-Startalk ay pormal silang nagpaalam sa handler nito na kaagad umokey. Alam na raw ni Patrick ang naturang interview.

Nang dumating na ang reporter ng Startalk, lumapit ito sa isang staff ng Super Twins para magpaalam na interbyuhin ang aktor.

Nang nilapitan na si Patrick, sumagot ito ng "Tulog ako!" sabay sara ng pinto ng kanilang dressing room.

Ipinarating agad ito sa kanyang handler, pero ayaw na niyang sagutin ang mga tawag.

Tulog na raw siya kaya ayaw nang magpa-interview sa mga taga-Startalk.

Kinabukasan ay nagpaalam pa rin ang mga taga-Startalk kung pwede kahit phone patch interview man lang.

Sagot ng handler, natutulog pa si Patrick dahil napuyat sa taping.

Wish na lang namin kay Patrick na sana'y laging mahimbing ang kanyang pagtulog, huwag lang ang kanyang career.

Margaret Wilson has dark armpit?

Madali naming nahulaan `yung isang blind item ng Startalk nu'ng
Sabado dahil very giveaway ang clue. Napaka-obvious na si 2007 Bb.
Pilipinas-World Margaret Wilson ang tinutukoy na beauty queen na
diumano ay maitim ang kili-kili.

Pinagreak namin tungkol dito ang manager ni Margaret na si Neil de
Guia at buong ningning nitong itinanggi na maitim ang kili-kili ng
kanyang alaga. Malamang na sinisiraan lang daw si Maggie.

Hinanap namin sa internet ang ilang photos ni Maggie na nakataas ang
kanyang braso para malaman kung totoo ang tsismis.

Sa mga nakita naming pictures ay hindi dark ang armpits ng 17-anyos
na panlaban natin sa Miss World.

Mahalagang maputi ang bahaging `yon ng katawan ng isang kandidata
dahil maraming pagkakataon sa beauty pageant na kakaway-kaway sila at
mae-expose ang kanilang kili-kili. Nakahihiya kung maitim `yon.

Bilang isang TV actress-model ay conscious siguro si Maggie sa
kanyang katawan, lalo na ngayong isa na siyang beauty titlist.

In fairness, kahit nu'ng bagets pa si Maggie ay marami nang nagsasabing malaki ang promise niya na maging beauty queen dahil bukod sa pretty at matangkad ay smart siya at okey ang personality.

Last year ay nakasama pa namin siya sa Nivea event sa Bohol pero this year sa Camsur ay hindi na siya nakasali dahil naging abala na siya sa Bb. Pilipinas.

Huli naming nakita si Maggie sa presscon ni Richard Gomez sa Imperial Palace, na hindi siya namukhaan ng ilang showbiz press dahil hindi siya nakaayos at naka-casual clothes lang.

Dayalog tuloy ng isang entertainment editor na katabi namin, dapat ay hindi lumalabas si Maggie na ganu'n ang itsura dahil may titulo na siya.

Dapat aniya ay lagi itong nakaayos at conscious sa kanyang pananamit lalo na `pag lumalabas in public para hindi ma-disillusion ang makakakita.

Sa Oktubre nakatakdang lumaban ang Fil-British na si Margaret Nales Wilson sa 57th Miss World na to be announced pa kung saan gaganapin. Last year ay ginanap ito sa Warsaw, Poland.

Ayon sa wikipedia, mahigit 120 bansa ang maglalaban-laban this year sa nasabing pageant. `MW' ang initials ni Maggie na sana raw ang ibig sabihin ay Miss World dahil hanggang ngayon ay never pang napanalunan ng Pilipinas ang nasabing titulo.

Ang outgoing Miss World titleholder ay si Tatiana Kucharova ng Czech Republic.

Alynna Asistio, New girl on cam

Monday nights on GMA will never be the same with a new sitcom that will definitely make you laugh -- “Who’s Your Daddy Now?” It tells of the adventures and misadventures of a teenage girl in search for her real father.

This new offering also ushers the debut of another fresh face on television: the pretty Alynna Asistio, who, with her chinita eyes and smiling face, is very hard to miss. iGMA.tv sits down for a chat with the young lady whose mom is former actress Nadia Montenegro.



Alynna, or Ynna, as she is more fondly called, is Andrea in Who's Your Daddy Now? She plays the girl looking for her real father following the death of her mother who raised her.

But the girly, fashionable and bubbly Andrea is far from the real Ynna, as she claims to be a bit boyish, shy and aloof. “I’m not a fashionista, I’m not kikay. Opposite, (kasi) may pagka-boyish ako” she says.

So more than influencing the way her character moves by simply being her, Ynna claims Andrea has been unconsciously changing her as she internalizes the role. “Pumasok na siya sa life ko,” she shares, laughing coyly. “Ngayon naging kikay na tuloy ako!”

One trait that connects Ynna and Andrea though, is their sweetness. “(Si Andrea ay) sweet, kasi siyempre ang tagal niyang nawalan ng daddy, tapos nagkaroon siya ng dalawa, so sinuwerte siya (at) masaya siya.”

First Time Jitters

For Ynna, landing a role in one of GMA’s shows is a great learning opportunity a newcomer like her could not let slip away. “Sinabi po sa ’kin ni Mommy na I’m joining ‘yung kapalit ng Lagot Ka . Tapos ako, (sabi ko) ‘okay.’” she narrates. “(Tapos) na-excite (na) po talaga ako kasi it’s a different experience,” she adds.

And although this is not her first time to be seen on the small screen as she has hosted for QTV’s Candies a year ago, Ynna admits she still can’t help but get jitters especially when she thinks of being with big stars. Her co-stars in the show include Joey Marquez, Raymart Santiago, Paolo Contis and Jean Garcia.

“’Yung unang pictorial, kinabahan po ako kasi sobrang big stars ‘yung mga kasama ko dito” she shares, smiling as she recalled the experience. “Pero sobrang inaalagaan po nila ako.”

Ynna is also all-smiles as she talks about her working relationships with the cast and crew who have always been nice and accommodating and have made her feel welcome. “’Yung una, feeling ko out ako dito, pero sobrang tinuring nila akong anak. Anak na nga po tawag nila sa akin” she finishes with a happy grin.

Appearing on TV in a comedy show is a big break for her, which is why she is very keen on improving herself in her newfound love. Fortunately, the efforts she exerts to do well are noticed by her co-stars who are all praises for her.

Veteran actress Jean Garcia, who plays Stephanie, remarks, “Nagtatanong siya about her outfit, about her acting. She is very sweet, very charming and has breeding.”

Angel nag-share ng kanyang milyones sa mga taga-showbiz

‘SHARE your blessings.’ Ito ang panuntunan sa buhay na isa sa mga nagdala kay Angel Locsin sa tugatog ng tagumpay at nagbigay sa kanya ng ‘kayamanan.’

Bagu-bago pa man sa pag-aartista, naging ugali na ni Angel ang pagsi-share ng kanyang kinikita, una sa kanyamg pamilya, ikalawa sa mga nangangaila-ngan. Pero,hindi rin naman niya nakaliligtaang mag-save para sa kanyang sarili. Sumikat siya at naging milyones ang talent fees, lalo namang naging maluwag si Angel sa pagbabahagi sa kapuwa ng kanyang kinikita, kahit na kung minsan ay naaabuso siya.

At ngayon, sa kagustuhang epektibong mai-share sa mga kasamahan sa industriya ng pelikula ang kanyang blessings, minabuti ni Angel na mag-produce na ng movie sa tulong ng kanyang manager na si Becky Aguila.

“Pinag-aralan muna namin nang husto ng manager ko ang mga pasikut-sikot sa pagpo-produce ng pelikula. At nang matiyak naming nasa ayos na ang lahat, heto, nag-shoot na kami,” wika ni Angel sa panayam namin. “Kaya naman minabuti kong mag-produce, naniniwala kasi ako sa kasabihang ‘kung gusto mong tulungan ang mga taong nangangila-ngan, huwag mo silang bibigyan ng isda, kundi turuan mo silang mangisda.”

Ayon pa kay Angel, sa pagpo-produce daw niya, although hindi naman siya literal na magtuturong mangisda, mabibigyan niya ng pagkakataong magamit na naman ng mga kasamahan niya sa industriya ang kanilang God-given talents.

“’Yung mga artistang matagal na nawalan ng pelikula, magkakaroon na naman sila ng exposure. ‘Yung mga production people na mga natengga rin dahil bihirang-bihira na nga ngayon ang nagpo-produce ng films, mahahasa na naman nila ang kanilang kakayahan. At higit sa lahat, we hope ng manager ko na kapag kumita ang movie namin, maka-encourage kami ng mga bagong breed of film producers.”

GMA Pinoy TV, papasukin na ang ilang bahagi ng East Coast sa Amerika

Papasukin na rin ng GMA Pinoy Cable TV ang ilang bahagi ng East Coast sa Amerika tulad ng New Jersey at New York sa pagpapalabas ng mga shows nila gaya nang nangyayari sa ilang bahagi ng West Coast tulad ng San Francisco, California.

Next month ay susugod sa isang malaking okasyon ang ilang kinatawanng Channel 7 sa New Jersey kasama ang ilang artista ng newtork na sina Ara Mina, Dennis Trillo, Gladys Guevarra at iba pa.

Bukod sa launching ng GMA Pinoy Cable TV roon, magtatanghal din ang tatlong stars na nabanggit upang makaakit ng subscribers na Pinoy siyempre sa nasabing US state.

Ang alam namin, magkakaroon din ng launching sa Hawaii sa May 12 at may mga GMA artists na pupunta rin doon.

Aware ang GMA na daigdig ng The Filipino Channel ang ilang bahagi ng Amerika. Kaya naman upang magkaroon ng choice ang mga Pinoy roon, heto sila't pinag-iigi ang serbisyo ng GMA Pinoy Cable, huh!

GMA gives Nadia's daughter a big break

A CHARMING newcomer who's given a big break in the new GMA-7 sitcom "Who's Your Daddy Now?" is Alynna Asistio, who gets to ask the show's title addressed to Raymart Santiago and Joey Marquez. "In the story, my mom had an affair with both of them, but she doesn't know kung sino sa kanila ang tunay na ama ko," she says. "When my mom died, I join them in their apartment and that's when the fun starts."

Born on September 27, 1991, Alynna is the second of six kids of Nadia Montenegro and Boy Asistio. She's a high school senior this June at Maria Montessori School and intends to take up nursing or tourism later. She has never had a boyfriend. "Strict po ang daddy ko," she says.

How was she chosen to play the lead role in the sitcom? "I don't know. My mom just told me kinukuha raw ako ng GMA."

The show's executive producer, Redgie Magno, says they've noticed Alynna when she hosted "Candies" with Inah Estrada (daughter of Janice de Belen) and Winwin Marquez (daughter of Alma Moreno). "Noon pa, napansin na namin ang pagiging cute at kikay niya, so we got her
for `Who's Your Daddy Now' dahil bagay na bagay siya rito," says Redgie.

Angel Locsin, tinanggihan ang remake ng Salome!

Tinanggihan ni Angel Locsin ang alok ni Direk Gina Alajar na i-remake
nito ang pelikulang Salome, na pinagbidahan niya noon, at dinirek ni
Laurice Guillen noong 80s.

Matapos panoorin ni Angel ang pelikula, magalang niyang sinabi kay
Direk Gina na hindi pa siya handang gawin ang ganitong klase ng
pelikula.

Naisip nga ni Direk Gina na bagay kay Angel ang Salome. Kaya ang
ginawa niya, binigyan niya ng kopya si Angel para panoorin ito at pag-
isipan na rin.

Pero, `yun na nga, matapos panoorin ni Angel ang Salome ni Gina,
nasabi niya na hindi niya kayang gawin ang ganung klaseng papel.

"I understand her. Maybe, marami pa siyang apprehensions. Natatakot
siya na baka hindi niya mabigyan ng justice `yung role, o baka iniisip niya na baka hindi umabot sa expectations ng mga nakapanood ng original `yung gagawin niya.

"Sabi ko naman. It's okey. Pag-isipan mo munang mabuti. Hindi naman ito madalian. Ang sa akin lang, kung ire-remake, bagay sa kanya `yung role," kuwento ni Gina.

Nililinaw ni Gina na wala pang definite na plano sa pagri-remake ng movie. In fact, wala pang film production na gagawa nito.

Kung sakali mang magkainteres na i-remake ang nasabing movie, personal choice niya si Angel na gawin ito, at ang gusto ni Direk Gina ay siya mismo ang magdidirek.

Katrina Halili answers issues about Cristine Reyes and Ehra Madrigal

Dalawang isyu ang nilinaw ni Katrina Halili nang nakapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last Sunday, April 15, sa taping ng Magpakailanman sa isang gay bar sa bandang Timog, Quezon City.

Una ay ang ukol sa umano'y pagpapatalbugan nila sa pagpapa-sexy ng co-star niyang si Ehra Madrigal sa bago nilang TV series na Lupin na
pinagbibidahan ni Richard Gutierrez. Isa pang isyu ay ang tampo sa kaniya ni Cristine Reyes dahil sa pahayag ni Katrina na gaya-gaya ng sakit niya ang nakababatang kapatid ni Ara Mina.

"Hindi naman po kami nagpapatalbugan ni Ehra sa pagpapa-sexy," diin ni Katrina. "Never naman po akong nakipagpatalbugan e. Doon nga sa pilot episode ng Lupin, naka-pandong ako... Kung gusto kong makipagtalbugan, e, di nag-tangga at nag-plunging ako.

"Magkaibigan kami ni Ehra, para kaming magkapatid. Actually, nag-bonding kami sa Boracay noon, e. Kaya lang, yung role namin sa Lupin ay parang hustlers na sidekick ni Richard na sexy ang mga outfits.

Cristine Reyes. Nilinaw rin ni Katrina ang tungkol sa sinabi niya kay Cristine sa Startalk two Sundays ago na naging ugat ng tampo sa kaniya ng younger sister ni Ara.

"Mayroon nga po akong sinabi na gaya-gaya siya nang nag-guest ako saStartalk," pag-amin ni Katrina. "Pinapanood kasi nila sa akin yung interview ni Cristine at may sakit nga raw siyang tonsilitis. So sabi ni Tito Joey [de Leon, Startalk co-host], `O Katrina, ano'ng masasabi mo riyan?' Sabi ko naman, `Naku, hindi ko po alam diyan sa babaeng `yan. Gaya-gaya lang siguro `yan, lagi na lang akong ginagaya niyan, e.'

"Doon ko lang nalaman na may sakit siya [Cristine]. Magkasama nga po dapat kaming magbabakasyon sa Boracay noong nagdaang Holy Week, e Ako bale ang nag-arrange ng lahat, pati yung titirhan namin at ng kaklase niya. Pero nag-text siyang hindi pinayaga ng Ate [Ara] niya bago dumating yung araw ng alis namin.

"Kaya nagtaka ako nang in-interview ako ng S-Files na kaya hindi siyasumama ay dahil hindi siya pinayagan ng kanyang Ate dahil na-hurt daw siya sa sinabi ko na gaya-gaya siya. Kaya nag-text ako sa kaniya, sabi ko, `NPG, totoo bang na-offend ka sa sinabi ko? Napanood mo ba talaga yung Startalk interview ko?' Pero hindi siya nag-reply, e. Yung NPG, Nail Polish Girls ang meaning nun. NPG kasi kami before, three years ago 'yon," nakatawang saad pa ng magandang young sexy actress.

Patuloy niya, "Kasi may issue kami before ni Cristine na gaya-gaya, hindi ba? Close kasi kami ni Cristine dati. Lumalabas pa kami, pinaka-close ako sa kaniya. Parang kapatid ang turing ko sa kaniya. Natutuwa ako sa kaniya, dahil parang masarap siyang alagaan.

"Pero one time, bigla na lang na hindi niya ako pinapansin. Yun pala may isyu na ginagaya ko raw siya, like yung pagpo-pony tail ng buhok, pananamit... Pero hindi ko alam kung yung isyu na `yon ang talagang ikinagalit niya.

"Pero, hello, ilang taon na siya, ilang taon na ako? Fifteen pa lang siya noon, 18 o 19 yata ako. So, bakit ko naman siya gagayahin? Parang kapatid nga ang turing ko sa kaniya, hindi lang parang
barkada, e. Parang ang sarap kasi niyang bantayan at alagaan," paliwanag pa niya.

"Alam n'yo ba kung paano kami nagkabati? May time na lahat ng StarStruck ay nag-guest sa SOP. Habang sumasayaw kami sa stage, ume-ere talaga kami sa TV, tinanong ko sa kaniya kung bakit hindi niya ako pinapansin. `Ano ang isyu, bakit ba ganito na magka-away tayo?' Ayaw niyang sabihin ang dahilan. Sabi niya, `Puwede ba mamaya na tayo mag-usap?' Sabi ko naman, `Hindi puwede, ngayon tayo mag-usap.' So, sobrang natawa na lang siya sa sinabi ko at naging okay na kami.

"Pero hindi ko talaga naintindihan ang rason ng tampo niya. Sobrang bata pa kasi talaga ni Cristine, e. Siguro feeling niya that time, nakikipag-compete ako sa kaniya. Pero wala naman siyang sinabi o ipinaliwanag sa akin e. Pero ngayon, 18 na si Cristine. Kaya sana ay huwag nang maging malabo ang utak niya. Dapat ay maging matured na siya," sabi pa ni Katrina.

Magso-sorry ba siya kay Cristine at itinuturing ba niyang kaibigan pa rin ang dalaga?

Aniya, "Friend pa rin naman, pero hindi ko na ipipilit ang sarili ko sa isang tao na ayaw sa akin. Mahirap kasi kung ayaw sa akin ng isang tao. Fine, hindi naman kawalan, e. Masaya naman ako at meron naman akong ibang friends.

"Tungkol sa pagso-sorry, bakit ako magso-sorry kung wala naman akong
kasalanan, hindi ba? Ang nagso-sorry lang ay yung may kasalanan. Pero kung na-hurt talaga si Cristine sa biro ko, sorry na nga," nakangiting pagtatapos na niya.

 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007