Mark, tumangging makatrabaho sina Jennylyn at Patrick

Pinakiusapan na si Mark Herras ng Regal Films, ng GMA Artist Center
at ni Manay Lolit Solis na tanggapin ang pelikulang pagsasamahan sana
nila nina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia, pero tumanggi siya.

Okay lang daw kay Mark na makasama si Jennylyn o kaya'y si Patrick
pero kung silang tatlo ang magkakasama at palalabasing love triangle,
ayaw niya.

Matagal nang napabalitang gagawin ni Jennylyn itong Tiyanak na
makakasama si Patrick, pero hindi nababanggit na kasama rito si Mark.

Naramdaman siguro ni Mark na magagamit lang siya sa pelikulang ito,
kaya nagdesisyon siyang huwag tanggapin ito.

SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007