Valerie Concepcion, pantasya ni Carlo!

May kopya ng FHM magazine si Carlo Aquino na si Valerie Concepcion ang cover. Aminado si Carlo na kasama na sa file niya ang mga seksing larawan ni Valerie.

`Yun nga lang, ayaw sagutin ni Carlo ang tanong sa kanya kung madalas ba niyang pagpantasyahan ang mga seksing larawan ni Valerie. Pero, aminado siyang hot na hot ang dating ni Valerie sa kanya.

Sabi pa ni Carlo, may kakaibang beauty kasi si Valerie. Morena raw kasi, at kahit may anak na ito, hindi pa rin nabawasan ang sex appeal nito sa kanya.

"Tapos, mukha siyang suplada, pero hindi pala. Mahilig siyang magkuwento. Makulit siya at madaldal.

"Maganda ang chemistry namin. Tahimik ako at masayahin siya," sabi ni Carlo.

Sa presscon nga pala ng Sinasamba Kita ng GMA 7, bitbit ni Carlo ang kanyang digital camera na kung saan ay may mga kuha si Valerie.

SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007