Angel at Diana, nagpasiklaban sa kaseksihan!

PAINIT nang painit ang laban nina Diana Zubiri at Angel Locsin sa Asian Treasures. Aba, hindi lang daw sa pag-arte at bakbakan naglalaban ang dalawa bilang sina Gabriela at Ingrid, kundi pati na sa pagandahan ng katawan.

Last week ay nagmistulang tunay na beauty pageant ang naging laban nina Angel at Diana. Sa kuwento ng Asian Treasures, parehong sumali sina Diana (Ingrid) at Angel (Gabriela) sa Queen of Southeast Asia.

Sa isang eksena nga raw ay parehong rumampa na naka-swimsuit sina Angel at Gabriela. Ang maganda raw sa dalawa, wala silang kiyeme na nag-display ng kanilang mga katawan.

Ang suwerte-suwerte nga raw ng mga lalake sa paligid nu`ng mga oras na `yon, dahil hindi sila magkandaugaga kung sino kina Angel at Diana ang titingnan nila.

Eh, bukod sa dalawa, may ibang babae pa roon na nagka-swimsuit din. So, piyesta talaga ang lahat ng barako.

Sa pageant night na mapapanood sa day 3 ng week 14, ipakikita na malungkot si Gabriela (Angel) dahil hindi sumipot si Elias (Robin Padilla).

Abala kasi si Elias (Robin) sa paniniktik kay Socrates sa isang bar. Nagpanggap na Jamaican si Elias. Tipong, mahaba ang buhok, kaya mahirap makilala.

Siyanga pala, puring-puri nina Diana at Angel ang beauty pageant scene nila, dahil parang totoong-totoo nga raw. Mula sa stage na pinaghandaan talaga, pati na sa costume na ginamit ng mga kandidata.

Siyempre, may talent portion din sila. Sumayaw si Angel (Gabriela) ng singkil. At si Diana (Ingrid), abangan niyo kung ano ang ginawa niya.

Anyway, may kinalaman ang beauty pageant na ginawa nila sa Asian Treasures sa patuloy na pag-aagawan nila ng amulets.

Well, sa bandang huli ng beauty pageant, si Ingrid (Diana) ang nagwagi ng best in long gown, samantalang best in talent naman si Gabriela (Angel).

Pero, sino kaya sa kanila ang tatanghaling Queen of Southeast Asia? ‘Yun ang dapat niyong abangan!

SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007