Angel nag-share ng kanyang milyones sa mga taga-showbiz

‘SHARE your blessings.’ Ito ang panuntunan sa buhay na isa sa mga nagdala kay Angel Locsin sa tugatog ng tagumpay at nagbigay sa kanya ng ‘kayamanan.’

Bagu-bago pa man sa pag-aartista, naging ugali na ni Angel ang pagsi-share ng kanyang kinikita, una sa kanyamg pamilya, ikalawa sa mga nangangaila-ngan. Pero,hindi rin naman niya nakaliligtaang mag-save para sa kanyang sarili. Sumikat siya at naging milyones ang talent fees, lalo namang naging maluwag si Angel sa pagbabahagi sa kapuwa ng kanyang kinikita, kahit na kung minsan ay naaabuso siya.

At ngayon, sa kagustuhang epektibong mai-share sa mga kasamahan sa industriya ng pelikula ang kanyang blessings, minabuti ni Angel na mag-produce na ng movie sa tulong ng kanyang manager na si Becky Aguila.

“Pinag-aralan muna namin nang husto ng manager ko ang mga pasikut-sikot sa pagpo-produce ng pelikula. At nang matiyak naming nasa ayos na ang lahat, heto, nag-shoot na kami,” wika ni Angel sa panayam namin. “Kaya naman minabuti kong mag-produce, naniniwala kasi ako sa kasabihang ‘kung gusto mong tulungan ang mga taong nangangila-ngan, huwag mo silang bibigyan ng isda, kundi turuan mo silang mangisda.”

Ayon pa kay Angel, sa pagpo-produce daw niya, although hindi naman siya literal na magtuturong mangisda, mabibigyan niya ng pagkakataong magamit na naman ng mga kasamahan niya sa industriya ang kanilang God-given talents.

“’Yung mga artistang matagal na nawalan ng pelikula, magkakaroon na naman sila ng exposure. ‘Yung mga production people na mga natengga rin dahil bihirang-bihira na nga ngayon ang nagpo-produce ng films, mahahasa na naman nila ang kanilang kakayahan. At higit sa lahat, we hope ng manager ko na kapag kumita ang movie namin, maka-encourage kami ng mga bagong breed of film producers.”


SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007