Jolina kinilig nang dumating ang bf sa party ng Ouija cast

Pati si Judy Ann Santos, natawa nu'ng makitang kinilig si Jolina Magdangal nang dumating si Bebong Muñoz sa cast party ng Ouija.

Ginaya pa nito ang reaction ng kaibigan na agad lumapit sa boyfriend at yumakap. Na-miss siguro ni Juday si Ryan Agoncillo nang makitang sweet ang dalawa't wala ang BF that time.

Para makatulong sa kampanya ni Bebong, tumatakbong congressman sa 2nd district ng Caloocan, magli-leave si Jolina sa Unang Hirit 'pag malapit na ang election.

Ginawa rin niya ito nang mag-file ng kandidatura ang BF at muling gagawin para suportahan ang nobyo.

Sabi pala ni Jolina, never nilang pinag-usapan ni Judy Ann ang nababalitang paglipat nito sa GMA-7. Tsismis sa showbiz daw ang pinag-uusapan nila at 'di ang tungkol doon, pero tiyak na isa siya sa magwe-welcome sa kaibigan 'pag nag-guest sa SOP sa May para sa early promo ng nabanggit na pelikula and to celebrate her
birthday.

SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007