Isabel Oli at Paolo Contis, hiwalay na

Nakiusap naman sa amin si Isabel Oli na huwag muna siyang kulitin
para hingan ng pahayag tungkol sa break-up nila ni Paolo Contis.

"Sorry, I can't. Di ko pa kaya magsalita about it. And right now,
I'm in the hospital kasi my Dad is very sick. Operahan pa siya. Kaya sorry talaga. Di ko pa kaya. Hope you understand," text nito sa akin.

Umaasa naman si Paolo na magkaayos sila sa lalong madaling panahon dahil nandiyan pa rin naman daw ang pagmamahal nila sa isa't isa.

"Ang corny namang sabihing, cool off muna, pero siguro kailangan
lang muna namin ng space. I'm sure, magkakaayos din kami," sagot ni Paolo sa akin.

Aalis si Paolo sa April patungong Middle East para sa isang
basketball tournament para sa GMA Pinoy TV, at umaasa itong pagbalik niya ay magkaroon na sila ng panahon ni Isabel na makapag-usap para magkaayos sila.

SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007