Glaiza de Castro, magpapa-sexy na?

ANG kapatid ni Alchris Galura na si Glaiza de Castro ang dahilan kung bakit hindi personal na natanggap ng una ang kanyang Best Performance by a Leading Actor- Drama sa 4th Golden Screen Awards ng EnPress.

Isinama ni Glaiza ang bunsong kapatid sa location shoot ng digital film na Still Life sa isang isla sa Quezon Province. Nanghihinayang man ang aktres pero natutuwa naman daw siya dahil hindi siya pinabayaan ng bunsong kapatid sa pagbo-volunteer nito na maging "alalay" niya sa bundok.

"Nanghinayang ako para sa kapatid ko," Glaiza admits. "Pero blessing in disguise na rin kasi may isang eksena sa movie na kailangan kong umiyak. When I learned about it, naging motivation ko `yun para mapaganda `yung eksena."

Said digital film is intended for the 3rd Cinemalaya Independent Film Festival which will start sometime in July. May pressure raw kay Glaiza. Sa 2nd Cinemalaya, Alchris won as Best Actor for the digital film Batad Sa Paang Palay na nagbigay din ng Best Actor --Drama sa kapatid niya sa Golden Screen Awards last March.

Unang in-offer ang Still Life kay Maja Salvador. Bale lumalabas na second choice lang si Glaiza. Pero okay lang daw sa kanya kung second choice lang siya. Ang importante, ayon na rin sa aktres ng Asian Treasures, sa kanya napunta ang project.

"I don't mind. Happy na rin ako dahil nagkaroon ako ng pelikula. Excited rin ako dahil first independent film ko ito at entry pa sa Cinemalaya," sambit pa ng look-alike ni Angel Locsin.

Hindi isinasara ni Glaiza ang posibilidad na tumanggap siya ng offer to pose for a men's magazine. Katunayan, may mga offer na raw ang FHM at UNO pero undecided pa rin daw siya to plunge into it.

"Actually, may offer na po sa akin. Una, parang ayokong mag-follow ng fad. Nagiging trend na kasi ngayon, eh, sa papo-pose sa magazine. Parang iniisip ng tao na kaya sila nagpo-pose dahil `yun ang last recourse nila pero para sa akin I have nothing against posing for a men's mag."

At kung meron man daw siyang gustong patunayan ay makilala siya bilang isang mahusay na aktres.

"Kung tutuusin, kaya ko namang gawin. Bakit hindi? Pero hindi pa naman ako nagsasara ng pinto. At ayoko pa ring magsalita nang tapos pero sa ngayon, gusto ko munang magkonsentreyt sa pag-arte at makilala bilang mahusay na aktres o pagkanta," sambit ni Glaiza. Sa ngayon, maglalagare si Glaiza sa dalawang TV shows sa GMA, ang Asian Treasures na pinagbibidahan nina Angel, Marvin Agustin, Marky Cielo at Robin Padilla at Boys Next Door kung saan makakasama naman niya ang mga StarStruck graduates na sina Mart Escudero, Aljur Abrenica, Rich Asuncion, Jesi Corcuera, Steff Prescott at marami pang iba.


SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007