GMA Pinoy TV, papasukin na ang ilang bahagi ng East Coast sa Amerika

Papasukin na rin ng GMA Pinoy Cable TV ang ilang bahagi ng East Coast sa Amerika tulad ng New Jersey at New York sa pagpapalabas ng mga shows nila gaya nang nangyayari sa ilang bahagi ng West Coast tulad ng San Francisco, California.

Next month ay susugod sa isang malaking okasyon ang ilang kinatawanng Channel 7 sa New Jersey kasama ang ilang artista ng newtork na sina Ara Mina, Dennis Trillo, Gladys Guevarra at iba pa.

Bukod sa launching ng GMA Pinoy Cable TV roon, magtatanghal din ang tatlong stars na nabanggit upang makaakit ng subscribers na Pinoy siyempre sa nasabing US state.

Ang alam namin, magkakaroon din ng launching sa Hawaii sa May 12 at may mga GMA artists na pupunta rin doon.

Aware ang GMA na daigdig ng The Filipino Channel ang ilang bahagi ng Amerika. Kaya naman upang magkaroon ng choice ang mga Pinoy roon, heto sila't pinag-iigi ang serbisyo ng GMA Pinoy Cable, huh!

SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007