Angel Locsin, tinanggihan ang remake ng Salome!

Tinanggihan ni Angel Locsin ang alok ni Direk Gina Alajar na i-remake
nito ang pelikulang Salome, na pinagbidahan niya noon, at dinirek ni
Laurice Guillen noong 80s.

Matapos panoorin ni Angel ang pelikula, magalang niyang sinabi kay
Direk Gina na hindi pa siya handang gawin ang ganitong klase ng
pelikula.

Naisip nga ni Direk Gina na bagay kay Angel ang Salome. Kaya ang
ginawa niya, binigyan niya ng kopya si Angel para panoorin ito at pag-
isipan na rin.

Pero, `yun na nga, matapos panoorin ni Angel ang Salome ni Gina,
nasabi niya na hindi niya kayang gawin ang ganung klaseng papel.

"I understand her. Maybe, marami pa siyang apprehensions. Natatakot
siya na baka hindi niya mabigyan ng justice `yung role, o baka iniisip niya na baka hindi umabot sa expectations ng mga nakapanood ng original `yung gagawin niya.

"Sabi ko naman. It's okey. Pag-isipan mo munang mabuti. Hindi naman ito madalian. Ang sa akin lang, kung ire-remake, bagay sa kanya `yung role," kuwento ni Gina.

Nililinaw ni Gina na wala pang definite na plano sa pagri-remake ng movie. In fact, wala pang film production na gagawa nito.

Kung sakali mang magkainteres na i-remake ang nasabing movie, personal choice niya si Angel na gawin ito, at ang gusto ni Direk Gina ay siya mismo ang magdidirek.


SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007