Ryza at Nicole posibleng malink ulit kay Mark

MAGKASAMA sa Fantastic Man sina Ryza Cenon at Nicole Anderson, parehong na-link sa bidang si Mark Herras.

Pareho ng sinabi ang dalawang dalaga na “strictly professional” ang pakikipagtrabaho nila sa actor, pero expected nilang maiintriga ang pagsasama-sama nilang tatlo.

Mas malaki ang tsansang mabuhay ang tsismis kina Ryza at Mark, dahil isa ang dalaga sa kapareha ng actor, samantalang si Nicole ay gumaganap na secretary ni Joey Marquez.

In fact, sa presscon pa lang sila nagkita’t wala pang eksena together.

Busy din si Nicole sa Bleach, kung saan boses ni Inoue ang dina-dub. Okey sa kanya na light ang schedule ngayon dahil graduating siya sa British School. Namimili na siya kung sa Ateneo, University of Asia & the Pacific o sa States mag-e-enroll ng Marketing Communications and Public Relations.

Parehong walang lovelife sina Nicole at Mark. Hindi kaya maging daan ang show para manumbalik ang pagkagusto ng actor sa dalaga?

Kaya lang, baka mag-dialogue na naman si Nicole ng “He’s so yesterday,” patungkol kay Mark.



SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007