Pauleen at Alfred binunggo ang sasakyan

Nalokah si Manay Lolit dahil magkasunod na naaksidente sa kotseng
sinasakyan ang dalawa niyang alagang sina Pauleen Luna at Alfred
Vargas.

Nung Biyernes nang gabi ay si Pauleen ang binunggo ng malaking trak sa may bandang Sucat nang pauwi na ito galing sa proclamation rally ni Strike Revilla sa Bacoor, Cavite.

Mabuti't hindi gaanong nasaktan si Pauleen kasama ang Mommy niyang
nagda-drive ng kotse, pero itinakbo pa rin sila sa Asian Hospital at
kaagad silang tinulungan sila nina Lani Mercado.

Hindi sila tinakbuhan ng driver ng trak na bumangga sa kanila.
Aminado ang driver na siya ang may kasalanan dahil nakatulog siya
habang nagmamaneho.

Ang laki ng sira ng kanilang kotseng Fortuner pero happy na rin sina
Pauleen dahil hindi sila gaanong nasaktan.

Kinabukasan, Sabado nang hapon, si Alfred Vargas ang binangga ng
isang pampasaherong bus sa may panulukan ng East Av. at EDSA.

Galing si Alfred ng Eat Bulaga at pauwi na siya nang biglang binangga ito ng bus sa may bandang gilid ng kotse niya pati ang tatlo pang kotseng kasunod nito dahil nawalan daw ito ng preno.

Hindi nasaktan si Alfred, pero malaki rin ang sira ng kanyang kotse.

Naloka si Manay Lolit nang sunud-sunod na nakarating sa kanya ang balitang aksidente ng mga alaga niya. Sana, wala na raw pangatlo at tama na iyung nangyari kina Pauleen at Alfred.






SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007