Regine, sabik na sa kasal nila ni Ogie sa June?

HINDI lang ang entertainment press ang nag-aabang sa iaanunsiyo ni Ogie Alcasid sa darating na June. Maging si Regine Velasquez ay
sabik na ring malaman kung ano ang ia-announce ni Ogie.

Sabi ni Regine, wala siyang maikukuwento sa mga manunulat kung ano ang ia-announce ni Ogie sa June, dahil siya man daw ay nangangapa pa rin hanggang ngayon. Wala raw talaga siyang ideya kung ano ito.

Ayaw na ring magsalita ni Regine tungkol sa tunay na relasyon nila
ni Ogie ngayon. Bahala na lang daw na si Ogie ang magsalita tungkol dito.

"Si Ogie na lang ang kulitin niyo," sabi pa ni Regine.

Well, kapansin-pansin na nagagawa na ni Regine na idaan sa biro ang tungkol sa tsismis sa kanila ni Ogie. Hindi na nga siya tulad noon na iwas na iwas sa isyu sa kanila ni Ogie.

Aminado si Regine ngayon, masaya siya sa buhay niya, at in love
siya. Pero, ayaw niyang sabihin kung `yun ay dahil kay Ogie.

"In love ako sa trabaho at sa pamilya ko," hirit niya.

Anyway, ang tungkol sa pagpapakasal nga nina Ogie at Regine ang sabi-sabi na ia-announce ni Ogie sa June. Pero siyempre, ayaw pa rin ni Regine na magsalita tungkol dito.

Mas maganda raw na si Ogie na lang ang pagsalitain.

Samantala, itinanggi ni Regine ang tsismis na nagselos si Ogie dahil sa matitindi at sangkatutak na kissing scenes at love scenes nila ni Piolo Pascual sa pelikulang Paano Kita Mamahalin, na prodyus ng Star Cinema at Viva Films.

Nilinaw ni Regine na bago pa niya tinanggap ang pelikula, alam na niya na maraming ganu`ng eksena sila ni Piolo.

Sabi nga ng isang malapit kay Regine, walang dapat ikaselos si Ogie kay Piolo.

Siyanga pala, si Bb. Joyce Bernal ang direktor ng pelikula.


SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007