Dingdong Dantes reacts to "kissing photo" of ex-gf Antoinette Taus
Saturday, April 21, 2007
"Direk Dingdong" na ang tawag sa young actor-director na si Dingdong
Dantes ng mga taong inabutan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa last shooting day ng "Daddy's Angel," isa sa episodes ng trilogy movie na Angel, last April 18 sa Kamuning Elementary School. Ang naturang pelikula ay initial venture ni Angel Locsin at ng manager
nitong si Becky Aguila sa kanilang Eagle Eye Productions.
During the lunch break ay nakausap ng PEP si Dingdong na very
thankful sa mga producers niya. Flattered daw siya nang kausapin siya personally ni Angel upang magdirek ng "Daddy's Angel" na nagtatampok kina Marvin Agustin, Valerie Concepcion, Paolo Paraiso, Nash Aguas, at Ms. Jaclyn Jose. Ito ang first movie directorial job ni Dingdong, bagama't ilang beses na siyang nakapagdirek sa TV (kabilang na ang Kakabakaba Adventures at ilang episodes ng Atlantika).
"Hindi ako pressured sa oras. Nagagawa at napag-aaralan ko ang gusto kong gawin. Bago ako pumunta sa location, nabasa ko na ang script, pero mas pinag-aaralan ko ang gagawin ko kapag nasa set na ako. Kung minsan kasi, hindi maiiwasan na may aberya. Like noong mag-shooting kami sa New Bilibid Prison—dahil nakakulong doon si Marvin—nagkaroon ng aberya nang may mga pumasok na inmates sa set namin. Pero napaka-supportive naman ng mga officials doon at madaling naayos ang problema," kuwento ni Dingdong.
Dagdag pa niya, "Naging madali para sa akin ang execution ng mga
eksena dahil sa mahusay na acting ng mga artista ko. Open din ako sa suggestions nila dahil as an actor and director, alam ko kung ano ang napi-feel nila. Anumang suggestions nila, pinag-aaralan namin at kung okay, itinutuloy namin. Isa pa, kung na-feel nila ang eksena, ibig sabihin, tama ang ginawa namin.
"Kung minsan kahit mahirap ang trabaho namin, kapag nakita mo naman na maganda ang nagawa mo, walang katumbas na pera ang kasiyahang nararamdaman mo. Ito nga, dahil last shooting day na namin, gusto ko nang makita ang rushes," excited pa niyang sabi.
Samantala, hiningi rin namin ang comment ni Dingdong sa balitang nagtampo raw siya sa girlfriend niyang si Karylle kaya nagkakalabuan sila ngayon. Although inamin niyang nagtampo nga siya, matibay pa rin daw ang relasyon nilang dalawa.
"Totoo na medyo nagtampo ako kay Karylle noong birthday niya last March 20 kasi tumanggap siya ng shooting ng isang indie film sa Bacolod noong araw na `yon. Siyempre, gusto ko namang kasama ko ang girlfriend ko sa birthday niya. Pero wala po `yon," paliwanag ni Dingdong.
"Pinagsabay na lang namin yung celebration ng birthday niya at yung second anniversary namin noong April 3. I treated her sa isang dinner in Tagaytay. Doon ko na rin ibinigay sa kaniya ang
birthday/anniversary gift ko—isang spear made of steel, replica ng spear na ginamit niya as Alena sa Encantadia. Naka-display na ito sa room niya. Matagal na kasi niyang gustong magkaroon no'n, as a
remembrance daw sa first telefantasya namin together sa GMA-7."
Nakita na ba niya o aware ba siya sa naglabasang "kissing scene" sa Internet and tabloids ng dati niyang girlfriend na si Antoinette Taus at ng friend nitong si Bianca King?
"Nakita ko, pero hindi ako nagulat. Natawa na lang ako. Alam ko kung gaano ka-close sina Toni at Bianca at matagal na talaga silang ganoon kung magbatian at mag-goodbye. Kahit noon pang kami ni Toni, ganoon na sila. Hindi lang nila ipinakikita sa harap ko. Wala pong lesbian sa kanila, I'm sure of that," pagtatapos ni Dingdong.

SHARE THIS POST