Mark Herras talks about his playboy image

Isa sa leading ladies ni Mark Herras sa Fantastic Man ang dating na-
link sa kaniya na si Ryza Cenon. Tinanong namin ang young actor kung
ano ang pakiramdam niya na maayos na ang sitwasyon ngayon sa pagitan
nina Ryza at Jennylyn Mercado, ex-gilrfriend ni Mark.

Matatandaang nagkaroon ng alitan noon sina Jennylyn at Ryza dahil kay
Mark. Hindi nakialam si Mark sa gap ng dalawang young actress.

"Before, nung nag-away sila, sabi nila because of me daw. Ngayon,
yung away nila na sobrang tagal na, parang wala na akong kasalanan
dun," rason ni Mark.

"Kasi kami ni Ryza, we're friends, ganun din kami ni Jen. Kung may
away sila, hindi ko na ano yun. Kaya kung okay na sila, e, di
maganda. Okay na kaming lahat, wala na dapat na intriga pa tungkol dun. Tapos na yun, hindi na dapat pang binabalikan at pinag-uusapan, " paliwanag pa niya.

Napag-usapan din namin ni Mark sa recent visit namin sa taping niya for Princess Charming, na magtatapos na this week, ang image niya bilang isang babaero. Ayon kay Mark, kung naging babaero man siya, never siyang nagkaroon ng girlfriend nang sabay-sabay.

Ang babaero raw kasi, sabay-sabay mag-girlfriend, na ni minsan daw ay hindi naranasan ni Mark. Ang paggi-girlfriend daw niya ay isa-isa lang pero sunud-sunod, na hindi naman daw niya sinasadya. Malaki raw ang pagkakaiba nun.

Sinabi ni Mark na may mga pagkakataon pa nga na nali-link siya sa mga kaibigan lang niya. Iniintriga agad na nililigawan niya or nagiging girlfriend niya kahit hindi.

Kahit sila raw ni Nicole Anderson, na niligawan niya, na kasama rin ni Mark sa Fantastic Man, okay na ang sitwasyon sa pagitan nila.

Ipinahayag pa ni Mark na ngayon mas malawak na raw ang pag-iisip nila pareho ni Nicole kaya alam nila kung paano i-handle nang maayos ang sitwasyon, kung paano ibalanse, at ihiwalay ang anumang personal issues sa kanila noon at sa trabaho nila ngayon.


SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007