Alex at Jen di na magkakaayos

Alex kay Jen, "Umayos ayos sya kung hindi baka ingudngod ko ang pagmumukha nya" Ito ang binitiwang salita ni Alessandra de Rossi nang mainterview namin hinggil sa kanyang pagpasok sa fantaseryeng Super Twins.

Pinalitan ni Alex si Tanya Garcia dahil sa maselang
pagbubuntis nito. Nakapirma na si Alex ng kontrata sa nasabing teleserye kaya siguradong magkakaharap na sila ng nakaalitang si Jennylyn Mercado sa susunod na linggo.

Tinanong namin kung ano kaya ang maaaring mangyari kapag
nagkaharap na sila ni Jen. "Umayos ayos sya dahil kung hindi baka ingudngod ko ang pagmumukha nya sa lahat ng sulok ng set", sabay bungisngis ng nakababatang kapatid ni Asunta.

Kinamusta rin namin
kung kamusta na sila ni Jeremy Marquez, ang kanyang dating boyfriend. Pabirong sinabi nito na "Pinaubaya ko na sya kay Jen. Isaksak nya sa baga nya".

Tawanan ang mga kasamahan namin sa panulat
kaya naman tinanong ni kasamang Roldan Castro na kung sakaling si Mark Herras naman ang manligaw sa kanya, ano ang kanyang gagawin. Isang malakas na sagot ang binitiwan ni Alex, "Yuck, he's not my type. At baka i-text pa ako ng kung anu-ano ng babaeng yan". Siguradong aabangan ang paghaharap ng dalawa sa set ng Super Twins.

SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007