Nadine Samonte suspects missing maid for robbing her Sta. Rosa home

Desididong ipahanap ng young actress na si Nadine Samonte ang katulong nila na pinaghihinalaan niyang nagnakaw ng mga alahas niya sa kanilang bahay sa Sta. Rosa, Laguna.

Wala na raw ibang maisip si Nadine na puwedeng magnakaw ng mga alahas niya sa bahay kundi ang nasabing katulong na two months lang na nagtrabaho sa kanila.

Kuwento ni Nadine, nang maganap daw ang pagnanakaw sa bahay nila ay bigla raw humiling ng bakasyon ang kanilang katulong para puntahan ang mga kamag-anak nito sa probinsya. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito bumabalik.

Ang problema lang daw ni Nadine ay wala siyang litrato ng katulong nila. Nagtanong na raw sila sa dating employer ng naturang maid para makakuha ng karagdagang impormasyon. Pero wala rin daw itong maibigay dahil saglit lang din nagtrabaho ang maid sa kanila.

Ipinagdarasal ni Nadine at ng Mommy niyang si Tita Edjie na sana ay may tumulong sa kanila para mahanap ang pinaghihinalaan nilang katulong para mabawi nila ang mga alahas na regalo ng Daddy ni Nadine noong 18th birthday niya. Lalo na ang diamond-studded ring na may naka-engrave pa naman na pangalan nilang mag-ama.

Hindi na raw nila hahabulin ang perang nawala. Ang importante raw ay ang mga alahas dahil pamana ‘yon kay Nadine ng Daddy niya.

"Alam namin na, at this point, ay mahirap nang mahanap yung katulong namin because wala nga kaming ibang information about her. Ni litrato nga, wala kami. Pero ipinagdarasal namin na sana ay konsensyahin siya at ibalik niya ang hindi niya pag-aari. Or mabigyan man kami ng lead kung nasaan siya. Kung kinakailangang suyurin namin ang mga sanglaan ng alahas ay gagawin namin mabawi lang ang mga ‘yon," sabi pa ni Nadine.

Bukod sa mga alahas ay nanakaw rin ang itinatagong pera ni Nadine sa bahay na nagkakahalaga ng P40,000. Pambayad daw sana ‘yon sa architect ng ipinatayo niyang bahay.

Dahil nga sa nangyari ay natuto na si Nadine at ang kanyang pamilya na huwag basta magtiwala sa kahit na sinong tao. Kung kukuha man sila ng bagong katulong, hihingan na raw nila ito ng mga papeles at litrato para kung mangyari ulit ang nakawan sa bahay nila, madali na nila itong mahahanap.

Mabuti na lang daw at may regular na programa si Nadine, ang Super Twins sa GMA-7, at sunud-sunod din ang mga trabaho niya kaya mabilis nilang nabawi ang nawalang pera.


SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007