Camille Prats' Husband Anthony Linsangan Dies of Cancer

Pumanaw na ang mister ni Camille Prats na si Anthony Linsangan kaninang 8:45 ng umaga, September 23, sa Makati Medical Center. Ayon sa manager ni Camille na si Arnold Vegafria, "nasopharyngeal cancer" ang ikinasanhi ng pagkamatay ni Anthony. He was 31.

Ang nasopharyngeal cancer, ayon sa medicinenet.com, "is a disease in which malignant [cancer] cells form in the tissues of the nasopharynx [upper part of the throat]." Ayon pa sa nakuhang impormasyon ng Philippine Entertainment Portal), na-comatose daw si Anthony kahapon pagkatapos nitong mag-seizure. ANTHONY LINSANGAN. Ipinanganak si Anthony C. Linsangan noong October 12, 1979 sa Tondo, Manila.

Nagtapos siya ng B.S. Computer Science sa AMA Computer University-Makati. Sa naturang unibersidad din niya itinatag ang Wheels Auto Performance noong February 6, 2000, sa tulong ng kanyang kaibigan na si Christian V. Moises.

Pero walong taon ang lumipas, sarili naman niyang pamilya ang binuo ni Anthony. Ito'y nang ganapin ang civil wedding nila ng dating child star na si Camille Prats noong Enero 5, 2008, sa Los Angeles, California.

At dalawampung araw lamang ang lumipas matapos ang kanilang civil wedding ay isinilang ang anak nila na si Nathaniel Caesar P. Linsangan.

 Dalawang taon matapos manganak ni Camille Prats, ginanap naman ang church wedding nila rito sa Pilipinas.

Naganap ito noong March 5, 2010 sa Santuario de San Antonio sa McKinley Road, Forbes Park, Makati City.

 Ngunit sa loob pa lamang ng tatlong taong pagsasama ng mag-asawa, isang mabigat na pagsubok na ang dumating sa kanilang buhay. Kumalat ang mga usap-usapan na may sakit si Anthony.

Ngunit, nanatiling tahimik tungkol dito si Camille sampu ng kanilang pamilya. Hanggang noong nakaraang buwan, kinumpirma ni Camille Prats sa PEP sa thanksgiving presscon ng Munting Heredera na may sakit nga ang kanyang asawa.

 Ngunit, tumangging magbigay ng anumang detalye ang aktres sa kalagayan ni Anthony. Ngayong araw, September 23, sumakabilang-buhay na si Anthony dahil sa sakit na cancer.

 Ang mga labi ni Anthony ay ibuburol sa Heritage Park Chapel sa Taguig City. Sa kasalukuyan, nakikiusap ang pamilya Linsangan-Prats na respetuhin muna ang kanilang privacy sa oras na ito ng kanilang pagdadalamhati.

Inseparable Aljur Abrenica and Kylie Padilla

SUPER-SWEET sina AljurAbrenica at Kylie Padilla sa fans day-cum-album promo tour ni Aljur sa Trinoma Activity Center last Friday. Pumunta daw si Kylie para suportahan si Aljur pero nagpaunlak siyang kumanta. Ikinakilig nang husto ng fans ang duet nila dahil punung-puno raw ng feelings ang pagkanta nila ng Please Be Careful with My Heart. Nang tanungin ng fans si Kylie kung ano ang pinagusto niyang parte ng katawan ni Aljur, sagot ni Kylie, ang mata raw ng aktor. Hindi nga mapaghiwalay ang dalawa dahil kung nasaan ang isa, andoon din daw ang isa. Tulad nu’ng rumampa si Aljur sa Cosmo Top 10 Single Men sa World Trade Center noong Sept. 15, present din ang dalaga ni Robin Padilla. “Andoon ako kay Aljur para sumuporta sa kanya. Pang-opening number si Aljur at hindi siya kasama sa Top 10 Single Men. Bale guest lang siya,” say ni Kylie. Paliwanag naman ni Aljur, pinapunta lang daw siya ng Century Tuna Hotdog para i-represent ang company at hindi siya kasama sa Top 10 Single Men. Nagulat din si Kylie sa ginawang pagto-topless ni Aljur kasi naman, kitang-kita ang abs ng hunk actor na pinapantasya ng mga kababaihan at bading. Pero mas na-shock daw si Kylie kaya nagtakip siya ng mga mata sa ginawang paghuhubad ng Top 10. First time daw kasi niyang pumunta sa ganitong affair. Halos everyday din na magkasama sina Aljur at Kylie dahil may movie sila kasama si Robin Padilla, entitled Mr. Wong, na co-produce ni Robin at ng Regal Films. Bukod sa Mr. Wong, si Aljur din ang bida sa Valentine’s Day movie offering ng GMA Films at makakasa-ma niya sina Rhian Ramos at Bela Padilla. Bukod dito, papasok na rin sa Aljur sa Amaya anytime this week. “Excited ako rito dahil si Marian ang partner ko. Alam mo naman kapag Marian ang project, laging patok,” nakangiting sabi ni Aljur. May naka-schedule ding concert ang Kapuso actor sa abroad . Dadalhin si Aljur ng Pinoy TV sa Japan sa Sept. 23-25, then on Oct. 28, nasa Los Angeles siya at sa Oct. 29, sa San Francisco. Ma-lapit na ring i-release ang third album niya na produced ng GMA Records. Kasama rito ang revival song na kapag kinakanta ni Aljur talagang tinitilian siya -- ang Hindi Ko Kaya -- na dating hit song ni Richard Reynoso.

Aljur gagawa ng pelikula kasama si Rhian

Totoo palang gagawa ng pelikula sa GMA Films si Aljur Abrenica at hindi lang gawa-gawa para mabura ang isyung hindi tinanggap ng aktor ang Hitman ni Cesar Montano dahil ayaw magkontrabida. Sa interview kay Bela Padilla para sa successful nitong pagsali sa Asian Supermodel at kung saan, inuwi ang friendship award at napiling media darling, nabanggit na muli silang magkakatrabaho ni Aljur and this time, pelikula naman. Makakasama nila si Rhian Ramos sa wala pang title na pelikula na November na sisimulan ang shooting. Anyway, may balita ring papasok sa Amaya si Aljur, pero dahil wala pang sinasabi ang GMA Artist Center (GMAAC) at ang mga taga-Amaya, hindi pa makukumpirma kung totoo. Siyanga pala, this Friday, 5:00 p.m., sa Trinoma Activity Center ang album launch at fans day ni Aljur. Dumating kaya si Kylie Padilla para suportahan siya?

Matagal na lihim nabuking, Lovi Poe patay na patay kay Jericho Rosales

Inalam namin kay Leo Dominguez, manager ni Lovi Poe, kung totoong hindi na sa pelikulang Yesterday, Today & Tomorrow kasama ang aktres dahil inilipat ng Regal Entertainment, Inc. sa Hototay, isa pa sa mga entries ng film company sa 2011 Metro Manila Film Festival (MMFF). Hindi “oo” at “hindi” ang sagot ni Leo kundi “Hindi papayag si Lovi. Super crush niya si Jericho (Rosales).” Nalaman tuloy namin ang matagal na sikreto ng dalaga na type niya ang aktor at tuwang-tuwa na makakasama niya ito sa Yesterday, Today & Tomorrow kaya ang nabanggit na pelikula ang mas pipiliin kesa Hototay. Wala pang formal announcement ang Regal kung saang pelikula talaga ilalagay si Lovi pero malaking dahilan din bukod kay Jericho kung bakit mas pipiliin niya ang Yesterday…, ay dahil makakasama rin niya sina Maricel Soriano at Gabby Concepcion na favorite nito. Ang iba pa sa cast ng Yesterday…, ay sina Carla Abellana at Dennis Trillo, kasama ni Lovi sa My Neighbor’s Wife at ang direktor nitong si Jun Lana pa rin ang direktor ng pelikula niya sa MMFF.

Behave na sina Mario Bautista at Carla Abellana

Amused kami sa professional attitude nina Carla Abellana at colleague Mario Bautista sa presscon ng “Kung Aagawin Mo Ang Langit” na mapanonood na sa afternoon block ng GMA Network starting September 19. Dati kasi, nagkaroon sila ng heated confrontation sa isang Regal Entertainment presscon kung saan na-irritate talaga si Mario dahil ina-accuse raw siyang kinu-qoute si Carla without the benefit of an interview samantalang ni-lift lang naman daw ng aming colleague ang qoutation na ‘yun sa press release ng Regal. Anyway, that’s water under the bridge now since they have obviously smoked the peace pipe already and are more or less civil with each other. Anyway, bongga ang bagong soap na to ng GMA in the sense na magkakaeksenahan sina Carla (Ellery Martinez) at Michelle Madrigal (Brigette Samonte) over the love of one man, Jonas Alejandro as delineated by the Starstruck 2 Ultimate male Survivor Mike Tan. Kung papanong sisirain ng inggit ang isang ideal relationship ay siyang gist ng soap na ‘to na mapanonood right after “Sinner or Saint” starting September 19 on GMA-7′s Dramarama sa Hapon.

Marian capable of unleashing temper tantrums of Kris

SA mga interview kay Kris Aquino, paulit-ulit at may diin pang sinasabi niyang magkaibigan sila ni Marian Rivera. Wala raw silang magiging problema sa pagsasama nga-yon nila sa isang pelikula nina Dingdong Dantes. Hindi kasi lingid kay Kris ang balitang sinumang nagi-ging kasama o kaparehang babae ni Dingdong sa pelikula o TV soap, inaaway, as in, ti-natarayan ni Marian like what happened kina Bela Padilla at Heart Evangelista. Ang nakakatawa lang, bakit kailangang ulit-ulitin ito ni Kris? Na naroong sabihin pa niyang: “By next year, gusto ko namang makasama sa movie si Marian Ri-vera." Sa totoo lang, sa pagka-kakilala namin kay Marian, na ubod nang selosa, kahit pa si Kris, na paulit-ulit sina-sabing walang magiging problema sa kanila ng Kapuso actress, eh, mas malamang na magkaroon pa rin ng conflict sa Kris-Dingdong tandem. At sa obserbasyon na-min kay Marian, hindi ito basta-basta magtitiwala sa kahit na sinong aktres na makakasama ng mahal ni-yang si Dongdong.

Rufa Mae at Boy 2 Quizon, matagal nang may lihim na relasyon!

May mga nagpapatunay na totoong may relasyon sina Rufa Mae Quinto at Boy 2 Quizon. Matagal na nga raw may lihim na relasyon ang dalawa, pero naghahanap nga raw ang dalawa ng tamang pagkakataon na gawing opisyal ang announcement ng kanilang relasyon.

Rufa Mae Quinto

Lumipad kamakailan sina Rufa Mae at Boy 2 patungong ibang bansa. Ayon sa source namin na nakakita sa dalawa, sobra ang pag-alalay ng apo ni Dolphy kay Rufa Mae. Kahit na raw noong namatay ang lola ni Rufa Mae, si Boy 2 raw ang parating nasa tabi nito.


At noong huling gabi na ng lola ni Rufa Mae, kasama raw si Boy 2 sa private moment ng pamilya ni Rufa Mae. Patunay lang na parang miyembro na ng pamil*ya si Boy 2.


Naikuwento nga ni Rufa Mae na may pino-produce siyang TV show para kay Boy 2 titled Prankista. Isa itong prank-gag show na tulad ng show ni Ashton Kutcher na Punked sa US. Nabanggit nga ni Rufa Mae na tinatapos na nila ang first season taping nito bago nila ito ibenta for airing para sa GMA-7 or sa GMA News TV.

Boy 2 Quizon

Matagal na ngang magkakilala sina Rufa Mae at Boy 2 dahil nga sa gag show nilang Bubble Gang. Close nga silang lahat sa Bubble Gang pero mukhang nagka-in love-an na ng bonggang-bongga sila Rufa Mae at Boy 2.


Para makumpirma nga ang tungkol sa dalawa, baka this Sunday sa Showbiz Central ay magsalita na si Rufa Mae kung totoo ngang nagmamahalan sila ni Boy 2 Quizon.

Mark Herras nagmukhang si George Clooney

Pinaghahandaan ni Mark Herras ang pagrampa niya sa Cosmo Bash na malapit nang ganapin sa World Trade Center.

Pumayat nang husto si Mark dahil sa mga rehearsal at taping niya para sa Time of My Life pero in fairness, guwapung-guwapo siya sa pictorial ng Flawless.


I should know dahil nakita ko ang mga litrato ni Mark na gagamitin sa mga anniversary billboard ng Flawless sa December. May anggulo si Mark na kamukhang-kamukha siya ni George Clooney sa kanyang pictorial na mala-James Dean ang concept.

Ten years na ang Flawless sa December 8 at ang anniversary celebration ang pinagkakaabalahan ng Flawless big boss na si Rubby Sy.

Nag-meeting kami kahapon ni Rubby at pinag-usapan namin ang mga bonggang plano niya para sa anniversary ng Flawless.

Ikinuwento ni Rubby ang kanyang balak na paglalagay ng mga giant billboard ng lahat ng mga endorser ng Flawless, sa pangunguna nina Lorna Tolentino, AiAi Delas Alas at Richard Gutierrez.

Mukhang Hollywood star si Richard sa bagong pictorial niya para sa Flawless. Pumayat si Richard at baka mabawasan pa ang kanyang timbang kapag nagsimula na ang taping ng Survivor Philippines sa isang Asian country.

Pagpapa-cute ni Derrick Monasterio hindi pinapansin ni Janine Gutierrez

Aliw ang kaibigan namin sa pagpapa-cute ni Derrick Monasterio kay Janine Gutierrez ‘pag nagkikita ang dalawa sa Party Pilipinas. Naroong yayaing sabay silang kumain ni Janine, pero dedma ang dalaga. Ilang beses na ring hinihingi ni Derrick ang number ng dalaga, pero hindi siya successful dahil hindi ibinibigay sa kanya.

Kahit kinakantyawan ng mga kaibigan, ayaw magpataranta ni Derrick, si Janine ang latest crush niya at mukhang naka-get over na siya kay Bea Binene. Ibig sabihin lang, mahilig talaga sa older girls ang binatilyo dahil balak din niyang ligawan si Rhian Ramos when he turns 18.


Samantala, sa horror movie ng GMA Films na The Road next mapapanood si Derrick at sa October 12 na raw ang showing.

Lovi Poe, Dennis Trillo & Carla Abellana Q & A with Ricky Lo

Some of the promo photos of Regal Films’ new bold drama My Neighbor’s Wife, directed by Jun Lana (who describes it as “Hot, very hot!”) remind you of the late ‘60s Hollywood mate-swapping movie Bob & Carol & Ted & Alice, don’t they? The four stars, led by the late Natalie Wood, were shown oh-so-innocently-looking under one blanket in a large bed, as if ready to tell one another bedtime stories when actually they were up to something more exciting than that.

In My Neighbor’s Wife, Jake Cuenca and Carla Abellana play husband and wife, and so do Dennis Trillo and Lovi Poe. The characters of Jake and Lovi get into an affair and, giving them a dose of their own medicine, Carla and Dennis get into an affair, too. Tit for tat.



Opening on Sept. 14 nationwide, My Neighbor’s Wife may touch some sensitive nerves among the prudes but then, it tackles a very real issue. Take a peep into your neighbor’s bedroom and you might be shocked by what you will see.


In keeping with the movie’s theme, Funfare asked Lovi and Carla and Dennis to do a little “sexy talk” (Jake wasn’t in the mood for it).


What is sexy to you?

Lovi: Sexy to me is being natural, effortless.

Carla: Sexy is an expression of confidence in one’s own body and even sensuality. It is also subjective. One can consider himself not sexy but others can think otherwise.

Dennis: Intelligence plus confidence is sexy.

When do you feel sexy?

Lovi: I feel sexy when the camera is in front of me. When it’s not on me, I don’t feel complete.

Carla: Definitely in the morning when I wake up, well-rested.

Dennis: When I get off the shower.

What part of your body do you consider sexy?

Lovi: Right now, I consider my lips as sexiest. Also, my eyes…I think.

Carla: That’s a tie between my eyes and my waist.

Dennis: I believe I have sexy eyes.

What part of a man’s/woman’s body do you consider sexiest?

Lovi: The eyes. The eyes say it all. The hands, too.

Carla: His hands and his eyes.

Dennis: I am a butt person.

Sexiest book?

Lovi: Wuthering Heights. I would love to play Cathy!

Carla: The Notebook by Nicholas Sparks.

Dennis: The mammoth book of The Kama Sutra.

Sexiest movie?

Lovi: Charlie St. Cloud is the most recent movie that I saw. My all-time favorite? Casablanca.

Carla: Cruel Intentions, my favorite!

Dennis: In The Realm Of The Senses by Nagisa Oshima.

Sexiest musical instrument?

Lovi: The piano, definitely!

Carla: The violin. It’s also my favorite.

Dennis: Any modern brass instrument that requires blowing.

Sexiest song?

Lovi: Come With Me by Norah Jones.

Carla: Oooh, that’s hard. It’s a triple tie among Kissing by Bliss, Destiny by Zero 7 and Colorblind by Counting Crows (only because of Cruel Intentions, hehehe!).

Dennis: Massive Attack’s Angel.

Sexiest TV show?

Lovi: Friends and The Tudors.

Carla: Gotta love Nip/Tuck.

Dennis: FTV’s Midnight Hot.

Sexiest food?

Lovi: Strawberries or grapes.

Carla: Some say oysters are an aphrodisiac therefore sexy. But I’m not a fan of oysters. I think strawberries dipped in chocolate are sexy.

Dennis: Fish tacos.

Sexiest car?

Lovi: BMW.

Carla: 8 Alfa Romeo 8C Competizione.

Dennis: Audi R8.

Sexiest perfume?

Lovi: Creed.

Carla: Dolce & Gabbana’s Rose The One.

Dennis: Mild Baby Cologne.

Sexiest time of day?

Lovi: Morning…the moment I wake up.

Carla: Dinner time when you’re all dolled up with matching red lips.

Dennis: 4:20 a.m.

Sexiest part of the house?

Lovi: The bedroom.

Carla: The bath tub, if I had one.

Dennis: The kitchen.

Sexiest animal?

Lovi: A panther in the night.

Carla: Sorry, I’m a dog lover. Even if it doesn’t make sense. Hehehehe!

Dennis: Me!

Sexiest billboard?

Lovi: My billboards for Bench Body and for Belo Medical Group.

Carla: I just love Ed Westwick (on Penshoppe). He makes me melt every time I see his billboards along EDSA.

Dennis: Bianca King on Dermstrata billboard.

Sexiest scene you have seen in a movie?

Lovi: My love scenes in My Neighbor’s Wife, definitely! They are my first love scenes ever!

Carla: Diane Lane’s first love scene with her lover (Oliver Martinez) in Unfaithful.

Dennis: The ones in Love & Other Drugs.

Sexiest scene you have ever done in a movie?

Lovi: My love scene with Dennis in the shower in My Neighbor’s Wife.

Carla: My love scene with Dennis in My Neighbor’s Wife.

Dennis: My love scene with a Japanese soldier in Aishite Imasu (where I play a cross-dresser)

Sexiest clothes?

Lovi: Bench Body underwear.

Carla: Your boyfriend’s shirt or long-sleeved polo.

Dennis: Lace lingerie.

Sexiest concert you have ever seen?

Lovi: Those by Usher, ‘90s Ricky Martin, Julio Iglesias and Britney Spears.

Carla: Katy Perry spells S-E-X-Y, the best concert I’ve ever been to! I LOVE Katy Perry. She’s my unicorn.

Dennis: Queen Live! at Wembley.

Sexiest face of a man/woman?

Lovi: Zac Efron, Genevieve Bujold and Harrison Ford.

Carla: David Beckham and Angelina Jolie.

Dennis: Natalie Portman.

Three sexiest men?

Lovi: Richard Gutierrez, Dingdong Dantes, and a tie between Jake Cuenca and Dennis Trillo.

Carla: David Beckham, Channing Tatum and Piolo Pascual.

Dennis: (No answer)

Three sexiest women?

Lovi: Marian Rivera, Heart Evangelista and Carla Abellana.

Carla: Katy Perry, Beyonce and Marian Rivera.

Dennis: Carla A., Lovi P. and Bianca K.

DAHU: Sexy Young Singer-Actress, Faithful Kuno Sa BF na nasa Abroad

Pang camera lang ang pakikipag-tikiman sa mga type na aktor, totohanan na pala!

Pinag-ta-taasan ng kilay ng ilang mujeres (read: gays) ang drama ng isang pa-seksing young actress singer na super loyal, faithful at devoted kuno sa kanyang boyfriend na nasa ibang bansa ngayon.

Work, work, work lang daw siya para maging busy at hindi ma-lungkot sa kanyang BF. At kapag may ini-li-link sa kanyang aktor na kasama niya sa pelikula, trabaho lang daw ang lahat kung nakikita man siya na super sweet sa kanyang ka-pareha.

Pero iba ang na-a-amoy ng ilang gay showbiz observers. Idina-daan lang daw 'yun ng singer-actress
sa kunwa-kunwawrian at eksena lang kuno 'yun sa pelikula na dapat niyang gawin upang maging realistic
ang kanyang character, and yet, paraan lang niya 'yun para ma-tikman ang kanyang na-ti-tipuhang aktor.

Artistic excuse nga ito dahil hindi pag-se-selosan ng kanyang BF kahit na torrid love scenes pa
ang kanyang gawin sa pelikula. Lusot na lusot siya roon.

Hindi lang sa isang aktor ito ginawa ng young singer-actress. Noon pa, sa na-una niyang pelikula
ay nakaka-simple na siya ng diskarte sa pag-pa-paramdam sa kursunadang aktor. Pero never naman
na may inamin siya sa mga na-li-link sa kanyang aktor.

Bata pa ay ma-husay nang lumusot ang young actress-singer. Let's see kung u-ubra ang kanyang
diskarte pag-balik ng kanyang BF.

(Hindi 'to love, eh, 'di ba po?)

DAHU: Teleserye Ng Aktres, Hindi Na Umabante Ang Rating



Ayos lang, hindi man mag-rate ang gina-gawang teleserye ng isang aktres. Hindi naman pala ina-asahang makaka-kuha ng double figures sa ratings ang nasabing programa.

Ang katuwiran nila, basta ma-tapos na lang at bahala na kung may manood o wala. Basta ang sabi ng ilang taga-network na alaga ang aktres, sugal lang naman talaga ang ginawa nila.

 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007