Mark Herras nagmukhang si George Clooney

Pinaghahandaan ni Mark Herras ang pagrampa niya sa Cosmo Bash na malapit nang ganapin sa World Trade Center.

Pumayat nang husto si Mark dahil sa mga rehearsal at taping niya para sa Time of My Life pero in fairness, guwapung-guwapo siya sa pictorial ng Flawless.


I should know dahil nakita ko ang mga litrato ni Mark na gagamitin sa mga anniversary billboard ng Flawless sa December. May anggulo si Mark na kamukhang-kamukha siya ni George Clooney sa kanyang pictorial na mala-James Dean ang concept.

Ten years na ang Flawless sa December 8 at ang anniversary celebration ang pinagkakaabalahan ng Flawless big boss na si Rubby Sy.

Nag-meeting kami kahapon ni Rubby at pinag-usapan namin ang mga bonggang plano niya para sa anniversary ng Flawless.

Ikinuwento ni Rubby ang kanyang balak na paglalagay ng mga giant billboard ng lahat ng mga endorser ng Flawless, sa pangunguna nina Lorna Tolentino, AiAi Delas Alas at Richard Gutierrez.

Mukhang Hollywood star si Richard sa bagong pictorial niya para sa Flawless. Pumayat si Richard at baka mabawasan pa ang kanyang timbang kapag nagsimula na ang taping ng Survivor Philippines sa isang Asian country.

SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007