Camille Prats' Husband Anthony Linsangan Dies of Cancer

Pumanaw na ang mister ni Camille Prats na si Anthony Linsangan kaninang 8:45 ng umaga, September 23, sa Makati Medical Center. Ayon sa manager ni Camille na si Arnold Vegafria, "nasopharyngeal cancer" ang ikinasanhi ng pagkamatay ni Anthony. He was 31.

Ang nasopharyngeal cancer, ayon sa medicinenet.com, "is a disease in which malignant [cancer] cells form in the tissues of the nasopharynx [upper part of the throat]." Ayon pa sa nakuhang impormasyon ng Philippine Entertainment Portal), na-comatose daw si Anthony kahapon pagkatapos nitong mag-seizure. ANTHONY LINSANGAN. Ipinanganak si Anthony C. Linsangan noong October 12, 1979 sa Tondo, Manila.

Nagtapos siya ng B.S. Computer Science sa AMA Computer University-Makati. Sa naturang unibersidad din niya itinatag ang Wheels Auto Performance noong February 6, 2000, sa tulong ng kanyang kaibigan na si Christian V. Moises.

Pero walong taon ang lumipas, sarili naman niyang pamilya ang binuo ni Anthony. Ito'y nang ganapin ang civil wedding nila ng dating child star na si Camille Prats noong Enero 5, 2008, sa Los Angeles, California.

At dalawampung araw lamang ang lumipas matapos ang kanilang civil wedding ay isinilang ang anak nila na si Nathaniel Caesar P. Linsangan.

 Dalawang taon matapos manganak ni Camille Prats, ginanap naman ang church wedding nila rito sa Pilipinas.

Naganap ito noong March 5, 2010 sa Santuario de San Antonio sa McKinley Road, Forbes Park, Makati City.

 Ngunit sa loob pa lamang ng tatlong taong pagsasama ng mag-asawa, isang mabigat na pagsubok na ang dumating sa kanilang buhay. Kumalat ang mga usap-usapan na may sakit si Anthony.

Ngunit, nanatiling tahimik tungkol dito si Camille sampu ng kanilang pamilya. Hanggang noong nakaraang buwan, kinumpirma ni Camille Prats sa PEP sa thanksgiving presscon ng Munting Heredera na may sakit nga ang kanyang asawa.

 Ngunit, tumangging magbigay ng anumang detalye ang aktres sa kalagayan ni Anthony. Ngayong araw, September 23, sumakabilang-buhay na si Anthony dahil sa sakit na cancer.

 Ang mga labi ni Anthony ay ibuburol sa Heritage Park Chapel sa Taguig City. Sa kasalukuyan, nakikiusap ang pamilya Linsangan-Prats na respetuhin muna ang kanilang privacy sa oras na ito ng kanilang pagdadalamhati.

SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007