Dingdong umaming minsan lang umuuwi si Marian sa bahay sa Cavite

PIK: Si Manny Pacquiao ang bagong endorser ng Bench. Pumirma ito ng kontrata nung isang araw. Kasabay ng opening ng kanyang Team Pacquiao sa SM Mall of Asia at doon din ginanap ang kanyang Manny Many Prizes. Sa gitna ng mga intriga sa kanila ni Jinkee Pacquaio, suportado pa rin siya ng huli at dumalo ito sa lahat ng mga events ng kanyang asawa nung araw na ’yun. Tumanggi lang si Jinkee na umapir sa Manny Many Prizes.

 PAK: Totoo kayang sa Palawan lang pala ginaganap ang taping ng Survivor Philippines Celebrity Edition? May mga ilang kaganapan na kaming narinig doon pero nangako kaming hindi namin ito isusulat. Pero mukhang interesting ang mga pangyayari na tiyak susubaybayan ng mga manonood.

 BOOM: Matutuloy pala ang ilang araw na bakasyon nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa Amerika.

Dingdong Dantes, Marian Rivera, Manny Pacquiao, GMA 7 Kapuso Stars, Kapuso, Kapuso Male Celebrities, GMA Pinoy TV,

Isasabay na rin nila ang panonood ng laban nina Pacquiao at Juan Manuel Marquez. 

Kailangan nilang mag-recharge ng bonggang-bongga dahil sa rami ng gagawin nila hanggang sa matapos ang taon. Isa sa pagkakaabalahan nila ay ang kanilang entry sa Metro Manila Film Festival.

Segunda Mano ang entry ni Dingdong at kasama nito si Kris Aquino at Ang Panday 2 naman ang kay
Marian kasama si Sen. Bong Revilla, Jr. Ang unang nakarating sa amin na kuwento ay kasama nila ang kani-kanilang mommy pero hindi naman sabi ni Dingdong.

Makakasama lang nila ang ilang kamag-anak ng aktor na naka-base na roon sa Amerika. Samantala, itinatanggi ni Dingdong ang isang is­yung inilabas ng Startalk tungkol sa live-in arrangement diumano nila ni Marian.

Pahayag ng aktor: “Alam mo we work very hard para mapundar ’yung gusto naming mapundar, and we were enjoying and reaping the benefits ng pinagtrabahuhan ko and that’s where I am and dun din siya. “Para sa akin ang totoong inuuwian ni Marian where her heart is, is in Cavite and she makes sure that she’s there at least once a month at kapag may pagkakataon sinasamahan ko siya and especially kapag may okasyon like Christmas, New Year, mga ganun. We consider those events very valuable that’s why especially kapag ako rin, meron din akong mga family gatherings I make sure she’s always there.”

SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007