Dingdong Dantes, ‘di trip na mag-live in sila ni Marian Rivera


MARAMING MAGAGANDANG FEEDBACKS ang natanggap namin sa selebrasyon ng 16th anniversary ng Startalk nu’ng nakaraang Sabado.

Kasi pawang maiinit na isyu ang napag-usapan at mga explosive na tanong ang ibinato sa mga artistang involved sa isang pinag-usapang isyu.

Isa sa mainit na tanong ng Startalk kay Dingdong Dantes ay kung totoong nagli-live in na nga ba sila ni Marian Rivera.

Dingdong Dantes

Diretsong pinabulaanan ito ni Dingdong Dantes dahil sabi nga niya, may kanya-kanya silang ipinundar na titirhan nila at si Marian daw ay talagang tinitiyak nitong makauwi siya ng Cavite kahit once a month.


Minsan ay sinasamahan daw niya lalo na sa kung merong selebrasyon gaya rin nang pagsama ni Marian sa kanya kung may mga events sa kanilang bahay.

Pero nilinaw ni Dingdong Dantes na hindi sila magkapareho ng address.

Hindi naman daw siya kontra sa ideyang pagli-live in ng magkasintahan pero siyempre kanya-kanya namang trip ‘yun depende sa dalawa.

“Kanya-kanya ‘yan, eh. Para sa akin kung saan siyempre mas convenient para sa tao kung wala namang kumokontra, kanya-kanya ‘yun,” pahayag ng aktor.

Ang unang nabalitaan ko, magkasama ang dalawa na magbabakasyon sa Amerika para manood na rin ng laban nina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez sa susunod na buwan.

Kasama raw nila ang kani-kaniyang Mommy, pero ang sabi naman ni Dingdong Dantes sa Startalk, hindi raw sila kasama.

Makikita lang daw doon nina Dingdong Dantes ang mga kamag-anak niya sa Las Vegas para makasama nila sa pagpapasyal.

Kailangan daw nila ng ilang araw na bakasyon para kahit papa’no ay makapag-recharge naman sila bago sila sumabak sa mas maraming trabaho.

Tuluy-tuloy na kasi iyan para sa promo ng pelikula nilang entry sa Metro Manila Film Festival. Segunda Mano ang kay Dingdong Dantes, kung saan makakasama niya si Kris Aquino, at Panday 2 naman ang kay Marian ka-partner siya rito ni Sen. Bong Revilla.


SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007