Bea Binene Malaki ang Pasasalamat sa Pahiram ng Isang Ina


Malaki ang pasasalamat ni Bea Binene sa Pahiram ng Isang Ina dahil sa afternoon soap sa GMA-7 niya nalamang importante pa rin siya sa amang bigla na lang nag-walkout sa kanila ng kanyang ina.

“Nalaman ko at may nagkuwento sa akin na hindi man napanood ni Papa ang Tween Academy, pinapanood naman niya ang Pahiram.. at enough na sa akin ‘yun. Nang una kong malaman ‘yun, natuwa ako at teary-eyed ako,” amin ni Bea Binene.

Bea Binene, Pahiram ng Isang Ina, Kapuso Stars, Tween Stars, Tween Hearts, Kapuso TV, GMA Dramarama, GMA 7,
Bea Binene

Ang pag-alis ng ama sa bahay nila rin ang binanggit ni Bea Binene na kulang sa buhay niya sa 14th birthday
niya sa November 14. Hindi nila makakasama ng mom niya ang ama pagpunta ng Hongkong para du’n mag-celebrate.

Hanggang November 11 na lang ang soap at isa sa hindi niya makakalimutan ay ang chance to work with Direk Joel Lamangan.

“Natakot ako sa kanya noong una, sa first taping day ko, ang 7a.m., call time, dumating ako ng 5am., at gumising ng 3 a.m., para hindi ma-late. Pero masarap siyang katrabaho, lahat tinuturo at pati continuity inaayos,” ani Bea Binene.

SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007