Iwa Moto is now friends with Rochelle Pangilinan

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang StarStruck Batch 3 First Princess na si Iwa Moto kagabi, April 29, sa kampanya ng isang mayoralty candidate sa Alaminos, Laguna. Napag-usapan namin ni Iwa ang tungkol sa sitwasyon ngayon sa pagitan nila ng SexBomb member na si Rochelle Pangilinan.

Dati ay nagkaroon ng gap sa pagitan ng dalawang female celebrities
dahil ang ex-boyfriend ni Rochelle, ang male dancer na si Yexel
Sebastian, ay naging boyfriend din for a time ni Iwa.

"We're close, we're friends talaga," sabi ni Iwa. "Oo, nagtatawagan
kami, nagte-text-an, ganun. Rochelle and I are friends. And besides,
wala namang hard feelings between us, kasi tapos na, e."

Dagdag pa niya, "Kung nagkaroon man ng isyu before, it's over. Na-
overcome na namin, and tsaka hindi naman kailangang pag-awayan ang isang tao."

Kumusta na ang lovelife ni Iwa? May ipinalit na ba siya kay Yexel?
"Lovelife? Sad na sad! Wala po, by choice," natatawang sabi ni Iwa.

Ayon pa sa young actress, focused siya ngayon sa kanyang showbiz career.

"Siyempre, madaming work, di ba? Tsaka yung lovelife, dadating at dadating `yan. Nakakapaghintay, kung makakapaghintay. Kung mayroon mang may gusto, mag- antay na lang till the time na kailangan ng right time. Lahat naman ng bagay, may right time, di ba?" pahayag niya.

In a recent interview, sinabi ng kaibigan ni Iwa na si Jackie Rice na mas okay sa kanya na walang lovelife si Iwa para matutukan nito ang kanyang career. Ano ang reaksiyon ni Iwa dito?

"Kasi alam din naman ni Jackie kung gaano ko siya ka-love at kung gaano ako nagki-care sa kanya. Kasi kapag may problema naman siya, tumatakbo rin sa akin yun. Binibigyan ko rin siya ng advise as ate. Thankful ako kasi naa-appreciate niya lahat ng mga ginagawa ko sa kanya. And in return, alam mo yun, pinagpe-pray pa rin niya yung success ko," pagtatapos ni Iwa.


SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007