Iwa Moto wants to focus on career after break-up

Itinanggi ng StarStruck Batch 3 First Princess na si Iwa Moto sa PEP
(Philippine Entertainment Portal) na masugid niyang manliligaw
ngayon ang tumatakbong congressman ng 2nd district ng Valenzuela
City na si Wes Gatchalian.

Inamin ni Iwa na kilala niya at nakakasama niya ang naturang
pulitiko, pero `yon ay dahil ini-endorse niya ang kandidatura nito.
Ayon kay Iwa, trabaho lang daw ang madalas nilang pagsasama.

Ayon kay Iwa, ayaw raw muna niyang ma-involve kahit na sa sinong
lalaki matapos ng break-up niya sa dancer na si Yexel Sebastian.
Trabaho muna raw ang priority niya ngayon, lalo pa nga't hindi siya
nababakante sa GMA-7.

Nabanggit din ni Iwa sa PEP na sana naman daw, for a change,
mabigyan siya ng isang role na inaapi-api siya. Palagi raw kasing
kontrabida roles ang napupunta sa kanya. Gusto rin daw maranasan ng young actress kung paano apihin sa harap ng kamera.

Nais din ni Iwa na mabigyan siya ng pagkakataon to portray a heavy drama role, kung saan masusukat daw talaga ang kakayahan niya sa pag-arte.

Nang tanungin naman tungkol sa bagong batch ng StarStruck, sinabi ni Iwa na magkakaibigan sila at halos para ng magkakapatid kung magturingan. Ang pinaka-close daw kay Iwa among StarStruck Batch 4 graduates ay sina Jewel Mische at Kris Bernal.

Hindi iniaalis ni Iwa ang katotohanang may kumpetisyon sa kanilang lahat, pero hindi raw nila yun pine-personal. Lahat naman daw sila ay nama-manage nang mabuti at nabibigyan ng trabaho ng Artist Center, ang talent arm ng GMA-7.

Isa sa mga bagong projects ni Iwa sa Kapuso Network ang guest stint niya sa "Prinsipeng Ibon" episode ng Mga Kuwento ni Lola Basyang, kung saan kasama niya sina Dion Ignacio, Pen Medina, at ang nagbabalik na sexy actor na si Anton Bernardo.


SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007