Ang baguhang si PJ Valerio naman ang inaaway ng mga fans ni Rhian

Nababaliw kami sa mga e-mail na nata­tanggap namin mula na naman sa loyal fans ng starlet na si Rhian Ra­mos dahil after ni­lang away-
awayin sina Ara Mina at Ales­san­dra de Rossi ay heto, may bago na na­
man silang pabori­tong pulu­tan sa email, ang ex-Star Circle na si PJ
Va­lerio.

Naaliw kami dahil bu­kod sa e-mail ng fans ni Rhian ay may nage-email
din sa amin mula na­man sa kam­po ni PJ para ituwid ang mga isyu ng
kampo ng dala­gita.

Nag-umpisa yata ang pagdi-deny ni Rhian nung may nag­sulat na nag-
date sila ni PJ sa Aya­la Alabang Town Center at nanood ng Ghost
Rider nung Feb­ruary 20.

Super-deny daw si Rhian ka­sama na rin ang kampo niya na hin­di raw
totoo dahil mga fans daw ang ka­sama para pag-usapan ang fans day at bigla na lang daw sumipot si PJ sa Star­bucks, pero base naman sa
pada­lang e-mail sa amin ng kampo ng binata ay sa UCC Viena Coffee
Shop sila tumambay habang hini­hintay ang pagdating ni Rhian na na-
late ng 20 minutes.

Ayon pa sa kampo ni PJ ay walang malis­ya ang pagkukwento ni PJ na nakasama ni­yang manood si Rhian ng sine, bakit naman daw super-react ang dala­gita, may pinopro­tek­tahan daw ba si­yang boyfriend?

Anyway, sinuman ang nagsasabi ng totoo sa magkabilang kampo nina PJ at Rhian ay read­ers na ang hu­hus­ga, pero sa ganang amin ay bakit every­time na may ganitong gusot o isyu si Rhian ay mega-email kaagad ang fans niya para i-deny anu­man ang nang­yari?

–REGGEE BONOAN

SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007