Annabelle, ikamamatay ang balikang Ruffa-Yilmaz

As earlier announced, kahapon ay nagbigay na ng pahayag sina Ruffa Gutierrez at Annabelle Rama sa The Buzz at Showbiz Central hinggil sa talk of the town na pakikipaghiwalay ng una sa asawang si Yilmaz Bektas.

Isang very emotional Ruffa ang napanood sa The Buzz as she cried her heart out habang sa Showbiz Central naman, sa umpisa ay cool na cool si Annabelle, pero sa bandang huli, bumigay na rin at humagulgol.

Maraming kinontra si Ruffa sa official statement na ipinadala ni Yilmaz through e-mail sa Pilipinas, na unang inilabas ng Startalk last Saturday.

Unang-una, pinabulaanan niya ang statement ng asawa na may isang relative siya na materialistic at kumukontrol sa kanya.

Bagama't hindi pinangalanan ni Yilmaz ang taong ito, isa lang ang hinala ng lahat — ito'y ang ina ni Ruffa na si Annabelle.

"I think my mom deserves an apology from Yilmaz because from the very beginning, my mom has always been supportive of our marriage.

"Everytime na mag-aaway kami, mas kinakampihan pa niya si Yilmaz
kesa sa akin. And for him to say that, may reason si mommy kung bakit ayaw niya akong pabalikin sa Istanbul. She has a valid
reason," ani Ruffa.

Ang reason na ito ang hindi na sinagot ni Ruffa hanggang sa matapos ang panayam. Tatlong beses siyang tinanong ni Boy Abunda kung totoo nga bang binubugbog siya ni Yilmaz, pero iyak lang siya nang iyak. Halatang-halata ang bigat ng kanyang dinadala.

Gayunman, bago ito ay inamin ng aktres na after seven years of marriage, hindi niya pa rin maintindihan ang kultura sa Turkey at isa na rito ang pananakit sa mga babae, which is one way of
affirming na nakatitikim nga siya ng pananakit mula sa asawa.

Sa official statement ni Yilmaz, nakasaad din na dumaan silang mag-asawa sa "emotional and physical violence."

Nilinaw ni Ruffa na hindi pera ang dahilan ng pagpapakasal niya kay Yilmaz. Bago raw sila ikinasal ay napakaganda ng kanyang career dito at sa Hollywood. Pero, tinalikuran niyang lahat 'yon alang-
alang sa lalaking minamahal.

Sinabi rin ng aktres-TV host na alam ng Diyos na pinilit niyang maisalba ang kanyang marriage. Niyakap niya at tiniis ang lahat.

"God knows I tried, I really tried. And you know, kung pagmamahal lang, puwede akong bumalik. Pero may prinsipyo rin ako," she said.

Gabi-gabi raw siyang umiiyak. Hindi raw naging madali bago siya nakapagdesisyong makipaghiwalay sa asawa.

"Matagal na proseso, hindi lang isang ayaw, hindi lang overnight. Gabi-gabi akong nagsu-soul-searching. Sinasabi nila rito, si Ruffa magaling magtago ng problema, plastik siya.

"What am I gonna do? I have to be sane for my kids. I just can't take drugs and you know, mag-iiyak. Mayroon akong dalawang anak, I have to be strong for them."

Paulit-ulit na sinabi ni Ruffa na hindi na niya kayang bumalik sa Istanbul at makisama pa kay Yilmaz, pero paulit-ulit din niyang sinabi na mahal na mahal pa niya ito at araw-araw, 10 times sila kung mag-usap.

Sa bandang huli, nabago na naman ang statement niya nang sabihing hindi pa niya tinutuldukan ang relasyon nila gayung earlier ay sinabi niyang desidido na siya na makipaghiwalay.

Samantala, sa Showbiz Central, isang misteryo rin ang iniwanan ni Annabelle sa manonood nang sabihing sila lang dalawa ni Ruffa ang nakaaalam kung ano ang nangyari sa aktres-TV host sa Istanbul.

Grabe at ganu'n na lang ang pakiusap niya kay Ruffa na huwag nang makipagbalikan kay Yilmaz.

"Ruffa, huwag ka nang bumalik sa Istanbul, dito ka na lang sa akin, nakikiusap ako sa 'yo. Mamamatay ako!" paulit-ulit na mensahe ni Annabelle sa anak.

Aware siya at aminado siyang siya ang tinutukoy ni Yilmaz na materialistic relative ni Ruffa and she denied it.

Kahit sino naman daw ina ay gugustuhing makita na maganda ang maging kinabukasan ng anak.

Pero ngayon lang daw niya na-realize na hindi lang pala pera ang importante. Dahil sa nangyari kay Ruffa sa Istanbul, hindi na raw mahalaga sa kanya ang materyal na bagay basta't narito lang sa Pilipinas ang anak at magkakasama sila ng buong pamilya.

Ayaw ding sagutin ni Annabelle ang isyu kung binubugbog nga ba ni Yilmaz si Ruffa dahil ang gusto niyang ang sumagot nito ay ang anak mismo.

Sa magkahiwalay na panayam sa mag-ina, mukhang hindi pa rito matatapos ang lahat dahil nag-iwan sila ng mas malaking katanungan sa manonood.

Ano nga ba ang pinagdaanan ni Ruffa sa piling ng asawa? Bakit nakapagsalita ang aktres-TV host na hindi na niya kaya to stay married kahit mahal na mahal pa niya si Yilmaz?

Bakit ganu'n na lang din ang pakiusap ni Annabelle na huwag nang bumalik si Ruffa kay Yilmaz sa Istanbul?

Ito ang mga katanungan ngayon na naghihintay ng kasagutan mula kay Ruffa.

Sa araw na ito ay nakatakda raw sanang dumating si Yilmaz sa Pilipinas para sunduin sina Ruffa, Lorin at Venice at didiresto sila sa Maldives.

Aminado si Annabelle na baka magbago na naman ang desisyon ng anak at muling sumama sa asawa. Kaya naman, nagmakaawa talaga ito kay Ruffa na pangatawanan na ang naging desisyong humiwalay.

For sure, mahaba pa ang itatakbo ng kuwentong ito.

SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007