Katrina gustong balikan ng ex-bf

MADALAS pa rin palang nagkakausap ngayon sina Andrew Schimmers at Katrina Halili kahit inamin na nilang break na sila.

Nang nakausap namin si Andrew, nasabi niyang close friend pa rin silang dalawa ni Katrina. Kung hindi naman sila nagkikitang madalas, nag-te-texting daw sila at nagtatawagan.

"Sa ngayon, hindi ko pa masasabing magkakabalikan na kami ni Katrina. Wala sa isip namin ang muling magkaroon ng relasyon. Masaya na kaming magkaibigan sa ngayon. Kung magkakabalikan kami, hindi pa siguro panahon. Pareho kaming busy sa aming career."

Nabanggit ni Andrew na super busy si Katrina sa soap nitong Lupin. Almost four times a week daw ang ta-ping nito.

Samantala, si Lupin, played by Richard Gutierrez ay makukulong na nang habambuhay sa Isla Muerte. Doon ay biglang lalabas ang madre na si Sister Anna Nicole na gagampanan naman ni Ara Mina. Kung bakit andoon ang madre sa isla ay hindi pa batid ng marami.

Mag-a-attempt sina Ashley (Katrina Halili) at Brigitte ( Ehra Madrigal) na gumawa ng plano para sagipin si Lupin sa isla at maitakas ito. Magtagumpay kaya sila?


SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007