Mga Mata Ni Angelita, uunahan ang Shaider

NAG-IBA na naman ng plano ang GMA-7 dahil sa halip na Shaider ang ipalit sa Asian Treasures, Mga Mata ni Anghelita muna ang uunahin.

Si Jolina Marie Reyes, ang young Kristal sa Bakekang, ang gaganap na
Anghelita. Another big break sa bagets ang magbida sa TV remake ng hit movie na pinagbidahan ng yumaong Julie Vega noon.

Kasama sa cast sina Marvin Agustin, Mark Herras at Lucy Torres-Gomez sa role ng Virgin Mary na magbibigay ng paningin kay Angelita.

Bagay sa misis ni Richard Gomez ang role dahil maamo ang maganda niyang mukha at sobrang puti.

Si Khryss Adalia ang napili ng Channel 7 na magdirek ng teledrama.

Ang unang plano pala ay ilagay sa Sinenovela block ang Mga Mata ni Anghelita, pero nabago ang plano at inilipat ito sa primetime block na mas marami ang nanonood.

SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007