Angel and her new black boyfriend, Hummer
















Sa laki ng bagong Hummer ni Angel Locsin, hindi mo iisiping babae ang may-ari nito. Dala-dala niya ang nasabing sasakyan sa post birthday party last Sunday with Gabriela at pagkalaki-laki niyang nakaparada sa harap ng studio ni Becky Aguila sa Commonwealth.


Super ganda nga ng nasabing sasakyan, which we found out, ay dream vehicle pala ni Angel. Mas maliit lang ito nang kaunti sa truck at ang unang impresyon kapag nakita mo'y sundalo ang may-ari at lalaban sa giyera.

Eh, black pa ang kulay, kaya mas masculine ang arrive.

Bakit ba niya naisip na bumili ng panlalaking sasakyan?

"Para mas astig, 'di ba?" aniya. "Saka noon pa talaga, gustung-gusto ko nang magkaroon nito, bata pa ako pangarap ko na 'to."

Kaya naman kahit mahal (more than P5M) at presyo na ng isang bahay at lupa, pikit-mata itong binili ni Angel kesa lifetime na pagsisihan na hindi niya pinagbigyan ang gusto.

Besides, Angel deserves it dahil todo-kayod naman ang dalaga sa pagtatrabaho.

Anyway, ang nasabing affair with Gabriela, titled Gabriella Meets Gabriela (ito kasi ang pangalan niya sa Asian Treasures), ay pinaghandaan talaga ni Angel. Nag-enjoy ang mga miyembro sa parlor games, kantahan, inuman at sayawan.

Bukod kay Angel at sa Gabriela members, dumalo rin ang ilan sa mga cast ng Angels na sina Marvin Agustin, Paolo Paraiso, Marco Alcaraz, Valerie Concepcion at Eunice "Charming" Lagusad.

Habang ongoing ang event, parating magkadikit sina Marvin at Angel. Looks like nakatulong ang Boracay trip para lalo silang maging close.


SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007