Paolo Ballesteros, nanindigan na lalaki siya

Ilang beses na na-ming kinulit si Paolo Ballesteros na interbyuhin tungkol sa gay issue pero tumatanggi siya.

Naulit ang ganitong intriga nang consistent sa pagbanggit si DJ Mo Twister sa kanyang radio program na marami ang tumatawag sa kanya na nagpakatotoo na ba-ding ang co-host ng Eat Bulaga.

Bukod sa siya ang isinasagot ng mga celebrity guest na dapat na umaming "I'm gay," may ilan pang listeners na nagsasabing nagpupunta raw itong si Paolo sa Government, isang bar sa Makati na tambayan ng mga bading.

"Huwag nang patulan, baka magkadebelopan pa kami ni Mo," biro sa amin ni Paolo.

Nu'ng nakaraang Miyerkules ay nagsalita na rin ang binata sa intrigang iyun.

Wala raw siyang masasabi tungkol sa mga sinabi ni DJ Mo dahil hindi raw niya napakikinggan ang radio program nito. May mga nakararating lang daw sa kanya na sinasabi ng mga kaibigan pero ayaw raw niyang mag-react.

"Ako kasi, alam ko naman kung sino ako. Sa akin, as a person, natuto ako na hindi ko na kailangang i-justify `yung sarili ko," pahayag ni Paolo.

"Ang sa akin lang, as long as wala akong nasasaktan o natatapakang tao, basta masaya ako. Kung ano ang makikita n'yo, `yun na iyun. Wala namang ano, eh… ganito ako."

Inamin niyang pumupunta siya ng Government at marami siyang mga kaibigang bading.

Wala raw masama kung may mga ganun siyang kaibigan dahil wala raw siyang pinipiling gender, basta ang importante, kumportable siya sa mga ganung kaibigan.

"Una, kaibigan ko kasi ang may-ari ng Government. Tapos, `yun ang hang-out ng mga friends ko. Hindi naman ako namimili kung anong klaseng lugar, kundi it's the company, du'n kami nag-e-enjoy, eh."

Deretsahan naming tinanong si Paolo kung straight ba siya. "Oo, I am straight!"

Kapag may magtanong sa kanya ng "Are you gay?" ano ang isinasagot niya?

"Are you? Hahahaha!"

Nasanay na raw siya sa ganung intriga dahil iyun at iyun pa rin ang patuloy na iniintriga sa kanya.

"Paulit-ulit na lang kasi. Ano pa bang pwede kong gawin, magsuot ng placard na may nakasulat, `Hoy hindi ako bading! Lalaki ako!' Parang ganun?"

Iniisip din niyang kaya natsitsismis siyang ganun dahil hanggang ngayon ay wala pang nali-link sa kanya na babae. Wala siyang girlfriend at wala rin ba siyang nililigawan? "Secret," nakangiting sagot nito sa amin.

Base sa mga sagot niya, kayo na ang bahalang mag-husga kung ano nga ba si Paolo.

SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007