Asian Treasures cast, pupunta ng China

TUTUTUKAN nang husto ni Robin Padilla si Diana Zubiri sa pagtuturo ng Muay Thai. Bale nag-train na si Diana sa ibang master ng Muay Thai, pero bago umalis ang grupo papuntang China sa May 16 ay dadaan sa masusing training si Diana under Robin.

Balita sa amin ng source, gusto ni Robin na magpakita ng galing sa martial arts na ito si Diana na katulad ng ipinapakitang balasik ni Angel Locsin. Magkakaroon kasi ng tunggalian sina Angel at Diana sa kanilang taping sa China.

Nakatakdang umalis sa May 21 ang buong grupo ng Asian Treasures sa pamumuno ng production manager ng GMA-7 na si Redgie Magno. Tatagal ng two weeks ang taping sa China ng AT. Pupuntahan nila ang Macao at Beijing.

Saka, habang tumatagal ang soap, lalong nagiging seksi at maganda si Diana. Bagay sa kanya ngayon ang katawan niya dahil slim na siya.

Makakatapat na talaga ni Angel si Diana sa pagalingan sa martial arts, at sa paseksihan.

Samantala, gagamitin ni Angel (Gabriela) ang anting-anting niya para mapagaling si Elias (Robin Padilla). Si Hector ( Marvin Agustin) naman ay magpupusige para malaman kung sino ang pumatay sa
kanyang ama.

SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007