Richard-Angel nakalimot sa halikan!

Sampung araw na lang at Valentine’s Day na. At ngayon pa lang, handa na sina Angel Locsin at Richard Gutierrez na magsama sa araw na ‘yon.

Umiwas nga si Richard na pag-usapan ang girlfriend niyang si Georgina, at si Angel naman ay libreng-libre ngayon mula nang maghiwalay sila ni Oyo Sotto.

Sabi ng dalawa, ie-enjoy nila ang araw na ‘yon na magkasama. Promo kasi ng The Promise ‘yon, at malamang na libutin nila ang iba’t ibang sinehan sa Maynila.

"Masaya ako na si Angel ang kasama ko sa araw na `yon. Siyempre, makakasama rin namin `yung mga supporters namin. So, maganda `yon, `di ba?" sabi ni Richard.

Usap-usapan nga ang maiinit na eksena nina Richard at Angel sa The Promise. At kung si Tita Annabelle Rama ang tatanungin, naniniwala siyang nanumbalik ang pagtitinginan ng dalawa.

"Bigay na bigay sila, ha!" say pa ni Tita Annabelle.

"Nung unang panahon kasi, kapag naghalikan ang isang babae at isang lalake, ang ibig sabihin noon, kayo na. Ganu’n kasi `yung panahon ni Mommy.

"Pero ngayon, iba na kasi. `Yung sa amin ni Angel, trabaho lang talaga," saad ni Richard.

"Basta kung ano `yung meron kami ni Richard, masaya kaming dalawa," sambit lang ni Angel.

Kunsabagay, kung oobserbahan mo ang mga kilos at tinginan nina Angel at Richard, puwede mo ngang isipin na may pagmamahal talaga sila sa isa’t isa.

"Basta, what you see is what you get na lang. Kung anuman `yung closeness na nakikita niyo sa amin ni Angel, kayo na ang bahala doon," hirit pa ni Richard.

Sa tingin pa lang ay nagkakaintindihan na raw sina Angel at Richard. Sa tagal na nga naman nang pinagsamahan nilang dalawa, siguro naman ay dapat lang na alam na alam na nila ang nararamdaman ng bawat isa.

"‘Yung sa akin lang, huwag muna sanang pangunahan `yung kung ano ang meron kami ni Richard ngayon. I mean, masaya kami talaga kapag magkasama.

"Ayaw naming paasahin ang mga fans namin na puwedeng maging kami. Basta kung ano `yung nakikita niyo ngayon, pabayaan niyo na lang muna sa amin `yon," pakiusap ni Angel.

Siyanga pala, parehong virgin sina Angel at Richard sa lampungan sa harap ng kamera.

"Masaya ako at ako ang nakasama ni Angel sa first love scene niya. Masaya ako at si Angel ang nakasama ko doon, kasi kumportable ako na kasama siya.

"Pakiramdam ko parang ako na `yung pinakasuwerteng lalake sa mundo dahil si Angel ang kasama ko. During that moment, I felt like ako `yung pinakasuwerte.

"Sino ba naman ang hindi magiging masuwerte na maka-love scene si Angel, eh, sobrang blooming siya, ang ganda-ganda niya.

"Ang seksi-seksi ni Angel. Kaya ang suwerte ko talaga," nakangiting saad ni Richard.

Anyway, naikuwento ni Angel na sa maiinit na halikan nila ni Richard ay tila nakalimot din silang dalawa. Nakalimot, dahil ni hindi na nila namalayan kung ano na ang ginawa nila.

"Pinabayaan kasi kami ni direk (Michael Tuviera) sa gagawin namin. Atsaka, kabado talaga kami. So, nakalimutan na namin `yung ibang mga bagay-bagay.

"Like, kung tatanungin niyo kung mahusay si Richard humalik, hindi ko na masasagot `yon, kasi nawala na `yon sa isip ko," nakangiting sambit na lang ni Angel.



SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007