Katrina envious of the sweetness of Jennylyn and Patrick

Aminado ang young si Katrina Halili na kinilig siya at nainggit sa sweetness nina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia nang napanood niya ang dalawa sa TV na nagsasabihan ng "mahal kita." Patuloy nga ang speculation na nagkakamabutihan na sina Jen at Patrick, subalit ayaw namang direktang umamin ang dalawa.

Pero nilinaw ni Katrina sa (PEP) Philippine Entertainment Portal na hindi porke ginawa ito ng dalawa ay tototohanin na rin nila ni Mark Herras ang napapabalitang pagli-link sa kanila at gagayahin nila sina Jen at Patrick.

"Napanood ko ‘yon kanina sa TV, naiinggit nga ako e," panimulang pahayag ng aktres sa kanyang 21st birthday party last Sunday, January 7 sa Mugen Bar, Metrowalk, Ortigas.

"Pero hindi naman kami magsasabihan ng ganoon ni Mark sa TV," mabilis na dagdag pa niya sa tanong kung susunod din silang magiging extra sweet sa TV ng napapabalitang manliligaw niyang si Mark.

"Sa akin lang kasi, parang ang sweet lang tingnan nina Jen at Patrick and natuwa talaga ako sa kanila. Pero iba naman ‘yong sa kanilang dalawa at iba naman ‘yong sa amin ni Mark," pahabol na paglilinaw pa ng aktres na itinanghal bilang Philippine's Sexiest Woman ng FHM last year.


SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007