Jennylyn Mercado, ayaw aminin ang relasyon nila ni Patrick Garcia?

Kakaiba ang dating ni StarStruck 1 Ultimate Female survivor na si Jennylyn Mercado ngayon. Bukod kasi sa kanyang new “Super Twins look”, ay aminado pa siyang inspired siya sa kanyang bagong boyfriend na si Patrick Garcia.

Ngunit sa kabila ng pag-amin ng dalawa tungkol sa kanilang relasyon, sinabi ni Jen na mas gugustuhin niyang itago muna ito kung siya lang ang masusunod. Ayaw daw niya kasing paghaluing muli ang kanyang career at personal life.

Ayaw din niyang mapagbintangan sila ni Patrick na ginagamit ang kanilang relasyon para sa kanilang career.

Ang tanging hiling ng young star ngayon, magkaroon ng tahimik na love life dahil ayaw na niyang maulit ang naging magulong relasyon nila ng dating nobyong si Mark Herras.


SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007