Jennylyn, Mark, nag-aaway na naman!

"Wala na nga siyang respeto sa akin, gagawa pa siya ng istoryang mali naman," matigas na pahayag ni Jennylyn Mercado sa kanyang publicist tungkol sa isyung hinamon daw ni Patrick Garcia si Mark Herras kamakailan.

"Hindi po totoo na hinamon ni Patrick si Mark at hindi rin ako nagsumbong kay Pat, kay Katrina (Halili) ako nagsumbong na pagsabihan niya si Mark kasi ginugulo ako sa text at kung anu-anong masasakit na salita ang sinabi sa akin. Kaya kung gusto niyang irespeto ko siya, irespeto rin niya ako," paliwanag pa ng bida ng Super Twins.

Nakausap si Mark sa taping ng Princess Charming ng ilang katoto at nabanggit nga nito na nag-away sila ng boyfriend ni Jennylyn na si Patrick at hinamon siya ng suntukan.

"Nangungulit pong bumalik si Mark sa akin, hindi ko na tinanggap dahil ayoko na, kung anu-anong masasakit na salita na ang sinabi sa akin kaya nagalit ako at sinabi ko kay Kat na pagsabihan nga niya, galit din sa kanya (Mark) si Pat, pero hindi siya hinamon ng suntukan," pagdidiin ni Jennylyn.

Last two weeks ay nag-aminan on air sa Startalk na love nina Jen at Patrick ang isa’t isa at last week sa parehong programa kung saan sabay nag-guest ang dalawa ay tila naumid naman ang mga dila nilang magsalita nung deretsahan silang tanuning kung ‘sila’ na nga.


SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007