Patrick Garcia to Jennylyn Mercado: "Mahal kita"

The young stars exchange "I love yous" on national television

Patrick Garcia has shouted to the world that he loves Jennylyn Mercado

On national television, nagpalitan ng matatamis na "I love you" ang young stars na sina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia. Ito ay naganap sa S-Files noong Linggo, January 7. Guest si Jennylyn sa live presentation ng programa samantalang na-interview naman si Patrick over the phone.

Sa kabila nito, hindi pa rin daw pormal ang relasyon ng dalawa.

Ayon kay Jennylyn, "Friends kami. Healthy naman yung relationship—friendship namin. Mabait siya sa family ko. Madalas siya sa bahay, ganun. Friends lang talaga. Normal lang."

Dahilan aminado naman ang dalawa na malapit sila sa isa't isa, naitanong ng interviewer na si Paolo Bediones kay Jennylyn kung ano ang hindi alam ng mga tao tungkol kay Patrick.

Natatawang sumagot si Jen na, "Naku, masandal lang siya, tulog na!"

Pero bumawi naman siya agad at sinabing, "Napakabait niya, sobra. Hindi ko ma-explain. Sobrang understanding, maalahanin. Sobrang sweet."

Hindi rin maiiwasang mapansin ang mamahaling bracelet na suot ni Jennylyn sa naturang guesting niya. Inamin ng young actress na regalo ito sa kanya ng ina ni Patrick.

Paliwanag ni Jennylyn, "Opo, yung mommy niya ang nagbigay. Even yung friends, nagbibigayan. Wala naman sigurong masama."

Siyempre, hindi na rin pinalampas ng S-Files ang pagkakataon na isama sa interview over the phone si Patrick, na noo'y nasa General Santos City. Sa telepono, agad tinanong ang young actor kung mahal na nito si Jennylyn.

"Kung sinabi kong mahal ko siya, sabihin kaya niya na mahal niya ako?" nakakagulat na sagot ni Patrick, na naging dahilan upang kiligin ang lahat ng nasa studio.

Tapos ay sinabi nitong: "Jen, hi! Mahal kita."

Dito na nagwala ang mga nasa studio na hindi mapigil sa kakasigaw.

Hindi naman maikakailang kinilig ang dalaga sa pahayag na iyon ng binata.

"Kinakabahan ako," ang nahihiyang sagot ni Jennylyn.

Sa tuwa ng dalaga ay nalimutan na nito ang tanong sa kanya.

"Hindi ko alam sasabihin ko. Ninerbiyos naman ako dun, Patrick. Ano nga pala yung tanong, nakalimutan ko?" nakakatawang sagot niya.

Nang ipaalala sa kanya ang tanong, maikli ngunit malaman din ang sagot ni Jennylyn: "Oo naman. Mahal din kita."

Pagkatapos nito ay dinig na dinig ang malakas na hiyawan ng mga tao sa loob ng studio.

Sinabi pa ni Patrick, "Sana katabi ko siya ngayon. Nandito ako ngayon sa Gen San e. Bukas na bukas lang nandiyan na ako sa tabi ni Jen."

Binigyang-diin ng binata na, "Kung mahal mo yung tao, dapat lahat tungkol dun sa tao mamahalin mo. So lahat tungkol sa kanya e nagustuhan ko at mamahalin ko siyempre."

Sagot naman ni Jen, "Thank you for being there for me. Stay as nice as you are. Nandito lang ako para sa iyo."

Kahit pa nagsabi na ng "mahal kita" si Patrick, hindi pa rin daw niya minamadali si Jen.

"Whenever she's ready," ang huling pahayag ni Patrick na nagpapahiwatig na handa siyang hintayin si Jennylyn.

Sa unang pagkakataon ay magkakasama sina Jennylyn at Patrick sa isang TV show. Pareho silang nasa cast ng sisimulang Super Twins ng GMA-7.


SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007