Patrick and Jennylyn still enjoying each other's company

Samantala, okey lang kay Patrick sakaling hindi pa siya sinasagot ni Jennylyn. Matagal na raw niyang crush ang young actress at hindi naman daw niya liligawan ang dalaga kung wala siyang paghanga rito.


Ani Patrick, naiintindihan niya na career ang priority ni Jennylyn at ayaw naman niyang makasira sa career nito. Okey na raw sa kanya na close friends sila sa kasalukuyan.


"Pero siyempre, mas sasaya ako kung magiging special friends kami, di ba? And more than that, kung sasagutin na niya ako," habol niya.


"Okey din lang sa akin kung may nali-link sa kanyang iba. Ako naman kasi, kapag may mga ganyan, tinatanong ko siya kung ano ang totoo sa mga balita. And she never lied to me naman, in fairness to her.


"Tinatanong ko siya kapag may mga ganyang usapin, tanong na pabiro. And okay lang naman sa akin kung sino man ang gusto niya, siyempre, nasa kanya na ‘yon," paliwanag pa ni Patrick.


Iginiit pa ni Patrick na hindi siya nagmamadali sa kasalukuyang relasyon nila ngayon ni Jen.


Ayon kay Patrick, "Mas maganda kasi na mas makilala pa namin nang mabuti ang isa't isa. Lumalabas-labas naman kami although may kasama rin kaming iba pa. Pero okey na ‘yon.


"Time will decide kung ano talaga nararamdaman namin. As of now, we are happy with each other's company e." Nakangiti si Patrick habang sinasabi ito.


Sa panig naman ni Jennylyn, hindi rin direktang sinabi ng young actress ang totoong estado ng kanilang relasyon ni Patrick. Pero kitang-kita sa kanilang mga salita at kilos na may magandang namamagitan sa kanila.


SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007