Jackie Rice at Ryza Cenon, susunod nang mga cover girls?

Jackie Rice at Ryza Cenon, susunod nang mga cover girls?Article posted December 13, 2006

Usung-uso ang magpose ng sexy sa mga young stars kung saan
nagpapakita ang mga ito ng mga natatagong alindog.

Nauna na rito sina Angel Locisn at Katrina Halili.

Si Jennylyn
Mercado naman, promotion ng kanyang pelikulang Super Noypi ang dahilan kung bakit siya napa-oo sa pagpapakita ng hubog ng katawan. Edad naman ang dahilan nina Iwa Moto, Pauleen Luna, at Ehra Madrigal, na naghintay muna ng kanilang debut bago patunayan sa lahat na sexy rin sila.

Ilan na lang ang mga young stars na natitira na hindi pa sumasabak sa pagpapasexy. Nangunguna na sa wish list ng mga sexy magazine ang mga Starstruck survivors na sina Jackie Rice at Ryza Cenon.
Si Jackie, edad at confidence raw ang problema. Sa ngayon daw, hanggang tube at shorts lang muna ang kaya ni Jackie, gaya ng mga suot niya sa SOP. Si Ryza naman, hindi maisip kung paano niya iiwan
ang kanyang sweet image.


"Hindi pa nga, kasi bata pa ako," pabirong pagmamaktol na sagot ni Ryza. "Niloloko kasi ako ng mga taga-Artist Center na July daw ako. Ayaw ko, hindi ako sexy!" "Ang laging ina-advice sa akin ng daddy ko, kung sexy ka talaga, `di mo na kailangan magpose," ang sagot naman ni Jackie.

Pero ayon sa dalawa, mage-enjoy muna sila sa kanilang wholesome image bago sila sumabak sa paseksihan.











SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007