Jennylyn Mercado, cover girl ng Maxim

Tuwang-tuwa si Jennylyn Mercado sa magandang feedback ng pagiging cover girl niya ng Maxim for January.

Ayon sa text message na kanyang natanggap, sa Trend Daily Newsstand Survey, as of Jan. 5 ay nasa 68 percent na ang sales ng nasabing glossy mag.

Ito raw ang kauna-unahang pagkakataon na nataasan ng Maxim ang sales ng kakumpetensiyang FHM Magazine.

Siyempre, masayang-masaya si Jen considering na hindi naman siya gaanong nagpakita ng flesh sa kanyang pictorial sa Maxim.

Kabado pa nga siya noong una dahil worried siyang baka hindi matanggap ng kanyang fans ang pagpu-pose nang sexy.

Pero nawala ang lahat ng worries niya nang makarating nga sa kanya ang magandang balita.

Ngayon daw niya napatunayang mahal talaga siya ng supporters at sinusuportahan ng mga ito ang lahat ng kanyang ginagawa.

Nagpapasalamat ang young actress-singer sa lahat ng tumangkilik ng January issue ng Maxim at wish niya, suportahan din ang kanyang next project sa GMA-7, ang Super Twins, na kasalukuyan nang ipinakikita ang teaser.

Makakasama ni Jen sa Super Twins sina Nadine Samonte bilang kakambal, Dennis Trillo, Patrick Garcia, Marian Rivera at marami pang iba.


SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007