Mark on Jennylyn and Patrick: "Wala akong planong sirain ang


Marks says he's not getting back together with Jennylyn
Bakit umi-epal [nakikisali] si Patrick sa away naming personal ni Jennylyn?" says
Mark Herras

Tuloy pa rin ang sagutan at away-bati ng dating magkarelasyon na sina Jennylyn Mercado at Mark Herras.

Nakarating kay Jennylyn ang mga sinabi ni Mark tungkol sa kanya at sa boyfriend ng young actress na si Patrick Garcia. Galit na galit daw diumano si Jennylyn kay Mark.

Dahil dito, si Jennylyn naman daw ang nagsalita na hindi siya nirespeto ng kanyang dating boyfriend at binabaligtad ni Mark ang kuwento.

Ayon kay Jennylyn, hindi raw siya nagsumbong kay Patrick kundi kay Katrina Halili—ka-batch nina Jennylyn at Mark sa StarStruck. Si Mark daw kasi ang nanggugulo sa kanila ni Patrick dahil gusto raw nitong bumalik sa kanya ngunit ayaw na ni Jennylyn.

Around 4 p.m. kahapon, January 18, via a three-way phone call, pinagbati ng common handler nila sa GMA Artist Center na si Daryl Zamora sina Jennylyn at Mark. So it was thought na okay na, pero
hindi alam nina Daryl at Mark na sumagot palang muli si Jennylyn.

Friday morning, January 19, naglabasan ang mga sagot ni Jennylyn—although may advanced copies na ang ilan via the newspapers' website. Tiyempo namang nagkita kami ni Mark sa Station 168 Internet CafĂ© sa Tomas Morato so nahingan namin agad siya ng reaction.

Una, inamin ni Mark na pinagbati nga sila ni Daryl. He thought okay na ang lahat kung kaya't nagulat siya na nagpa-interview rin pala si Jennylyn kaya gusto niya lang itong sagutin.

"Wala akong planong sirain ang relationship nilang dalawa. Wala akong planong magsabi ng masama against them. Bakit umi-epal [nakikisali] si Patrick sa away naming personal ni Jennylyn?" pauna
ni Mark.

For the record daw, hinding-hindi siya bumabalik kay Jennylyn. Alam daw ni Jennylyn ang totoo.

Ipinabasa rin sa amin ni Mark ang actual text ni Jennylyn na paghahamon ni Patrick kay Mark na sinasabi ni Jennylyn na hindi totoo. We got Mark's permission to print the message as
is: "Tinatanong ni Pat ad m bigay ko ha? Alam m naman un pulitka hawak nun. Kaya handa m n sarili m ha? Ingat k lage."

Samantala, may kasamahan ding entertainment writer na nakausap si Katrina—also that Thursday night—to ask kung totoo ang sinabi ni Jennylyn na sa kanya isinumbong si Mark. Ang naging sagot ni
Katrina, hindi raw ito totoo dahil two weeks na silang hindi nag-uusap ni Jennylyn. Busy raw siya Atlantika.

Nag-follow up din kami nang personal kay Katrina. Tinanong namin kung totoong nagsumbong si Jennylyn sa kanya about Mark at kung totoong inamin niya na MU (mutual understanding) na sila ni Mark kay Jennylyn.

Ito ang naging sagot ni Katrina sa amin via text: "Not true. Walang katotohanan po `yan. Hindi ko alam kung saan galing `yan."

SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007