Jennylyn, mahusay magpalambot!

Mahusay raw magpalambot si Jennylyn Mercado.

Totoo `yon, pero bago kayo mag-isip ng kung anu-ano, magpalambot po ng puso ng tao ang gusto naming tukuyin.

Sabi-sabi kasi na si Jennylyn ang dahilan kung bakit biglang-bigla ay naging malambot ang personalidad ni Patrick Garcia ngayon.

Hindi na nga raw katulad noon si Patrick na parang palaging mainit ang ulo. Na konting kibot lang, parang nagagalit na.

Hindi na rin daw katulad noon si Patrick na isnabero. Dahil mula raw nang maging karelasyon nito si Jennylyn ay naging malambing na ito sa ibang tao.

Hindi rin daw totoo na tutol na tutol ang pamilya ni Patrick kay
Jennylyn. Katunayan, botong-boto nga raw ang pamilya ni Patrick kay Jennylyn.

Sabi ni Patrick, hindi rin daw, nakikialam ang kanyang pamilya sa mga karelasyon niya. Kung sino raw ang gusto nila, `yun na rin ang nagugustuhan nila.

Lalo na ngayon na magandang impluwensiya si Jennylyn kay Patrick. Pero ang tanong, gaano kaya katagal aabot ang relasyong ito nina Patrick at Jennylyn?
Aba, nasaksihan na sa showbiz ang pakikipagrelasyon nila noon, na sa simula ay makikita mo talagang mahal na mahal nila ang mga kapareha nila, na parang `yun na talaga ang makakatuluyan nila, pero makalipas lang ang ilang taon, bigla ring nawawala ang mga taong `yon sa buhay nila.

Pero sana naman, dahil maganda naman ang impluwensiya nila sa isa't isa, magtagal na nga sila.

Siyanga pala, marami ang pumupuri sa katawan ngayon ni Jennylyn. Aba, seksing-seksi nga ito, ha!

Na dapat lang daw na maging seksi siya, dahil si Patrick nga kasi, mahilig sa mga babaeng seksi talaga.

May mga nagtatanong lang kung bakit parang may mga nagbago sa ibang bahagi ng katawan ni Jennylyn. Tulad na lang ng kanyang boobs na medyo lumaki yata, at pati na rin ng kanyang balakang, na parang kumurba na rin.

Dati raw kasi, medyo maliit ang kanyang balakang, at manipis din ang umbok sa kanyang dibdib.

Kunsabagay, sa panahon ngayon ay hindi na rin dapat busisiin pa ang mga pagbabago sa katawan ng mga babae sa showbiz. Aba, normal na lang sa ngayon ang magparetoke, `di ba?

At kung makagaganda nga sa katawan ng isang babae ang pagpaparetoke, okey lang `yon. At least, may effort siya na pagandahin ang kanyang katawan.

Hindi nga siya tulad ng ibang artista na lumalabas at lumalantad sa publiko na ang pangit-pangit ng katawan o ng itsura nila, `no!


SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007