Rufa Mae at Boy 2 Quizon, matagal nang may lihim na relasyon!

May mga nagpapatunay na totoong may relasyon sina Rufa Mae Quinto at Boy 2 Quizon. Matagal na nga raw may lihim na relasyon ang dalawa, pero naghahanap nga raw ang dalawa ng tamang pagkakataon na gawing opisyal ang announcement ng kanilang relasyon.

Rufa Mae Quinto

Lumipad kamakailan sina Rufa Mae at Boy 2 patungong ibang bansa. Ayon sa source namin na nakakita sa dalawa, sobra ang pag-alalay ng apo ni Dolphy kay Rufa Mae. Kahit na raw noong namatay ang lola ni Rufa Mae, si Boy 2 raw ang parating nasa tabi nito.


At noong huling gabi na ng lola ni Rufa Mae, kasama raw si Boy 2 sa private moment ng pamilya ni Rufa Mae. Patunay lang na parang miyembro na ng pamil*ya si Boy 2.


Naikuwento nga ni Rufa Mae na may pino-produce siyang TV show para kay Boy 2 titled Prankista. Isa itong prank-gag show na tulad ng show ni Ashton Kutcher na Punked sa US. Nabanggit nga ni Rufa Mae na tinatapos na nila ang first season taping nito bago nila ito ibenta for airing para sa GMA-7 or sa GMA News TV.

Boy 2 Quizon

Matagal na ngang magkakilala sina Rufa Mae at Boy 2 dahil nga sa gag show nilang Bubble Gang. Close nga silang lahat sa Bubble Gang pero mukhang nagka-in love-an na ng bonggang-bongga sila Rufa Mae at Boy 2.


Para makumpirma nga ang tungkol sa dalawa, baka this Sunday sa Showbiz Central ay magsalita na si Rufa Mae kung totoo ngang nagmamahalan sila ni Boy 2 Quizon.

SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007